"Gising na" nagiinat pa ako bago lumingon sa katabi ko, nakabaling siya saakin at titig na titig.
"Wag ka nga" paos kung wika ngumiti siya at hinalkan ako sa noo.
"Bangon na tayo gagabi na uuwi na din si Cone, baka magtaka na yun" pilit ko siyang tinatayo pero ayaw niya.
"Hayaan mo ng malaman niya, alam ko naman na matutuwa iyon pagnalaman" umupo ako at ngumuso, buong maghapon na lang kaming magkayakap dahil total nakapag skip na din daw naman kami ng klase kanina ituloytuloy na lang daw namin.
"Nagpapacute oh" sinundot pa niya ang pisngi ko kaya mas lalo akung napanguso.
"Wag ka ngang ganiyan! Baka hindi na talaga ako makapagtimpi eh!" napaupo ito sa kama bago ikulong ang mga pisngi ko sa palad niya.
"Bumangon kana diyan, baka magbago ang isip ko at bukas kana makalabas dito" nakingisi nitong wika ng makatayo sa harapan ko, umismid ako at padabog na tumayo. Napakamanyak talaga!
Bumalik na ako sa kwarto ko para makapagpalit na din ng damit, kanina ko pa kasi suot ang uniporme ko. matapos makapagpalit ay lumabas agad ako at pumunta sa kusina. Ganon na lang ang gulat ko ng makita ang hubad na likod ni Sandro. Hindi ko napigilan na kagatin ang ibabang labi ko sa nakikita ko ngayon.
"Enjoying the view?" napasinghap ako ng lumingon ito, unti unti siyang lumapit sakin habang tinatanggal ang apron na suot. Naka boxer short na lang siya ng matanggal ang apron. Shtt!
"Bakit ka nagtitiis sa patingingin lang kung pwede mo namang hawakan?" ramdam ko ang paginit ng pisngi ko ng kuhain niya ang kamay ko at ilagay iyon sa dibdib niya!
"Cat got your tongue?" mas lalo niyang ibinaba ang kamay ko papuntang tyan niya, sunod sunod akung napalunok.
Titig na titig ito habang nakangisi "Magsalita ka naman Cynthia ano bang nangyayare sayo?" mahina itong napahalakhak habang unti unting binaba pa ang kamay ko. unti unti hanggang sa
"Oh tukso aluyan mo akooooo! Oh sht porn!" agad kaming napalingon sa pintuan ng kusina, nandoon si Cone nakataklob ang dalawang kamay sa mata ngunit may butas.
BINABASA MO ANG
Sayo Lang
General FictionSa hindi inaasahang panahon nahulog si Cynthia sa hindi din inaasahang tao, at iyon ay si Sandro. Ngunit may mga bagay sa nakaraan ang nagbabalik upang sila ay guluhin. Hahayaan ba nilang sila ay masira nito o ito pa mismo ang magpapatibay sa pagsas...