"Goodmorning Lovebirds!" napalingon kami kay Cone ng lumabas ito galing sa silid niya. Ngiting ngiti ito, pero kita mo padin ang sakit sa mata niya.
"Aalis kami ni Cynthia, ayos ka lang ba dito?" tanong ni Sandro habang nagluluto ng fried rice, umupo naman si Cone sa upuan niya at namapak ng ulam.
"Oo naman ako pa ba?" ngiting ngiti nitong tugon kay Sandro, agad namang napalo ni Sandro ang kamay nitong kukuha pa sana ng isang hot dog.
"Ang damot niyang boyfriend mo Cyn! Breakan mo na nga!" natawa na lang ako ng inilagay ni Sandro lahat ng hotdog sa pinggan nito.
"Wag na pala Cyn mabait naman pala" napahagikhik ito pero sinamaan siya ng tingin ni Sandro.
"Ay masama ang loob Cyn! Breakan mo na!" agad na ngumiti si Sandro bago pumihit at magluto ulit.
"Ang damot damot nito sa hotdog, si Cynthia nga may hotdog na di nauubos eh" natawa ako ng lumingon si Sandro habang nanlalake ang mata.
"What?" nailing na lang ako sa kalokohan nilang dalawa.
Matapos kaming kumain tatlo ay nagbihis na agad kami ni Sandro, mamasyal daw kami at aabutin ng tatlong araw.
"Cone siguraduhin mo laging nakalock ang pintuan ha? Kahit pa sabihin na nasa isang condominium tayo eh hindi natin masasabi ang panahon" wika ko dito, tumango tango lang ito habang ngumunguya ng chichirya niya.
"Tumawag ka saamin kapag may problema okay?" paalala naman ni Sandro.
"Oo na itay inay hala na alis! Shoo humayo kayo at magpakarami!" natatawa na lang kaming umalis ni Sandro.
Nasa sasakyan na kami ni Sandro at tinatahak namin ang daan na hindi sakin pamilyar.
"Saan ba talaga tayo pupunta?"
"Malalaman mo din pagdating natin doon" hinawakan nito ang kamay ko at nilapatan ng halik.
BINABASA MO ANG
Sayo Lang
General FictionSa hindi inaasahang panahon nahulog si Cynthia sa hindi din inaasahang tao, at iyon ay si Sandro. Ngunit may mga bagay sa nakaraan ang nagbabalik upang sila ay guluhin. Hahayaan ba nilang sila ay masira nito o ito pa mismo ang magpapatibay sa pagsas...