Chapter 6

29 2 0
                                    

Iminulat ko ang mata ko, at dahan dahan bumangon. Paano ako napunta sa kwarto ko?

"Isipin mong maigi Cynthiaaaa" pinukpok ko din ang ulo ko, hanggang sa matandaan ko ang,

"Cynthia kinakausap kita!"

"What argh" nasuka ako sa dibdib niya.

"Sht!"

Sht nasukahan ko si Sandro! Nakakahiya ka Cynthia! Tinanggal ko ang pagkakataklob ng kumot saakin at mabilis kung sinuot ang tsinelas ko at lumabas ng kwarto para hanapin ang dalawa.

"Oh gising kana pala, kumain kana" napalingon ako sa kusina, Dumangaw si Cone sakin para alukin ako pero si Sandro ay nanaliting kumakain. Umupo ako sa isa sa mga upuan at nagsandok na ng kanin.

"Bakit parang bihis na bihis ka Sandro?" binasag ko ang katahimikan saamin, nagalit ba siya nung nasukahan ko siya kaya hindi niya ako kinikibo ngayon?

"May date siya ngayon! Yeii si Sands!" tuwang tuwa si Cone, pero parang ako ay hindi.

"Ganon ba? Naks! Nagmomove on na siya ayos yan!" tumango tango pa ako bago yumuko at sumubo ng pagkain.

"Uuna na ako, susunduin ko pa si Yna eh" tumayo ito at umalis na, titig na titig ako habang tinitingnan ang pintuan kung saan siya lumabas.

"Hoy! Napapano ka?!" napabalik ako sa realidad. "W-wala" keme akong ngumiti kay Cone.

"May pasok ako ngayong 9, uuna na ako sayo ha?" tumango lang ako at iniligpit ang pinagkainan namin. Anong gagawin ko sa buong maghapon ko? wala kaming pasok ngayon dahil Thursday, kaya nga malayang nakikipagdate si Sandro eh! Kainis! Ako na lang magisa, ang sarap kumanta ng All By Myself!

Sayo LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon