Napalunok ako sa iniisip ko, sht hindi pwede!
"Oh Sandro kanina ka pa diyan sa kwarto mo?" naguguluhang tanong ni Cone, tumango lang naman ito at pumunta sa kusina.
"Akala ko ba?" nakakunot ang noo ni Cone habang tinitingnan ako, nagkibit balikat na lang muli ako bago tumayo at pumasok sa kwarto.
Nakahiga ako sa kama ko habang nakatitig sa kisame at iniisip kung sino ba talaga ang nagpalit ng damit ko. halos mabuang ako kakaisip, mabuti na lang at tumunog ang cell phone ko.
"Hello? Erika bakit?" nagtatawanang mga babae ang naririnig ko.
"Bar tayo maya Cyn! Okay?! See yah there labyah!" sasagot pa sana ako ng hindi ko alam kung lalabas ako, kaso binaba na niya agad ang tawag.
Malapit na din namang maggabi kaya nagligo na ako at nagbihis, nagsuot ako ng white longsleeve na bukas ang dalawang botones na nagpapakita ng itim kung bralet tenernohan ko din ito ng sirang shorts shorts at nagsuot lang din ako ng white chuck converse na sapatos.
"May pupuntahan ka?" napalingon ako kay Cone na ngayon ay namamapak ng peanut butter habang nanununuod.
"Oo, tatawag na lang ako kapag hindi ko na kayang umuwi" napatawa ito at binato ako ng unan.
"Umalis kana nga! Bumalik ka ng buo ha?!"
"Partyyy!!!" napasigaw ako ng makita ang table ng mga kaibigan ko, andon ang mga kaibigan kung sina Elle Stefanie at Erika, andoon din ang iba pa naming kaibigan.
"Cyn namiss ka namin! Come here" napangisi ako sa sinabi ni Daniel isa sa mga kaibigan ko, pasalampak akung umupo sa tabi niya. Agad namang umakbay siyang sakin.
"How's Maldives Dan? Mukhang nagenjoy ka talaga doon" umalis kasi siya ng bansa na malungkot at ngayon sa nakikita ko ay masaya na siya ngayon.
"Ayos naman, masaya. Pero mas masaya dito" hinigpitan niya ang akbay niya sakin, siniko ko naman siya sa tyan para maalis ang akbay at maagaw ang ball cap na suot.
"Sa tingin ko ay mas nasayahan ka doon Dan" napahalakhak siya sa sinabi ko, ininom ko naman ang shot na inabot sakin.
"What's with your get up ha honey?" pinasadahan naman niya ng tingin ang katawan ko, nagkibit balikat ako at pinagkrus ang dalawang hita.
"CYNTHIA" napalingon ako, inaninag ko pa ang mukha ng nagsalita bago makilala, sht!

BINABASA MO ANG
Sayo Lang
Ficção GeralSa hindi inaasahang panahon nahulog si Cynthia sa hindi din inaasahang tao, at iyon ay si Sandro. Ngunit may mga bagay sa nakaraan ang nagbabalik upang sila ay guluhin. Hahayaan ba nilang sila ay masira nito o ito pa mismo ang magpapatibay sa pagsas...