Madali akung nagayos at naghanda ng mga kailangan bago bumalik din agad sa hospital. Naabutan ko na akap akap ni tito Gergorie si tita Mila na ngayon ay tulog na at nakasandal na sa balikat ni tito.
"Tito" lumingon ito sakin pero agad na napabawi ang lingon sa pintuan ng ER, lumabas doon ang doctor, agad akung lumapit.
"Ayos na po ba si Sandro?" bumuntong hininga muna ang doctor bago umimik.
"Nasa stage siya ng comatose ngayon at wala tayong kasiguraduhan kung kailang ba siya gigising.... O magigising ba siya o hindi" kitang kita ko sa gilid ng mata ko kung paano napaupo si tita Mila, napatakip ako sa bibig ko at humikbi.
"Cynthia aalis muna kami ng tita mo" tumango na lang ako at binalik ang tingin kay Sandro na ngayon ay nakahiga na sa kama, itrinansfer na siya ngayon sa isang private room. Kinapitan ko ang kamay niya at inilapat iyon sa pisngi ko.
"I'm sorry" hikbi ko.
"Hihintayin kita kahit gaano pa katagal, kahit isang linggo pa yan, isang buwan" napahagulhol ako "O isang taon pa man yan, hihintayin kita. Sandro naririnig mo ba ako? Hihintayin kita, hihintayin kita kaya kailangan mong bumalik okay?" napuno na ng iyak ko ang buong kwarto.
Dahil sa padalusdalos kung desisyon ay ito ang kinalabasan, pero hindi ko hahayan na dito lang ito magtatapos, hindi ko hahayaan iyon. Sisiguraduhin ko na hindi ito ang magiging wakas namin.
"Goodmorning Sandro!" hinaplos ko ang mukha niya, bago inilapag ang pagkain at bulaklak sa besides table, hinigit ko ang upuan sa tabi ng kama niya at naupo doon.
"Ang ganda ng mga bulaklak oh, ang babango nila at ang gaganda ng kulay" inamoy ko pa ang bulaklak bago inilagay sa vase. Bumaling ako sakaniya at hinawakan ang kamay, at tumingin sa labas.
"Ang ganda ng umaga Sandro, gumising kana ha? Para makita mo din ito" inayos ko ag buhok na tumatahob sa mata niya.
"I love you" pinisil ko ang kamay nito bago hinalikan ang talukap ng mata.

BINABASA MO ANG
Sayo Lang
Ficción GeneralSa hindi inaasahang panahon nahulog si Cynthia sa hindi din inaasahang tao, at iyon ay si Sandro. Ngunit may mga bagay sa nakaraan ang nagbabalik upang sila ay guluhin. Hahayaan ba nilang sila ay masira nito o ito pa mismo ang magpapatibay sa pagsas...