Epilogue

46 2 0
                                    

Kinabukasan ay napagpasyahan namin na bumalik sa bayan namin, anniversary kasi ng mga magulang ni Cone. Inexpect ko na makikita ko doon si Isabel, pinakiramdaman ko ang puso ko habang naglalakad kami sa tent at tinitingnan ko siya, hindi na bumibilis ang tibok ng puso ko, napalingon ako sa katabi ko na seryosong nakatingin sa unahan. Ang bilis ng tibok ng puso ko at ang kalma ng pakiramdam ko sa tuwing nakikita ko o kasama ko siya.

Wala kaming naging choice kundi ang makiupo sa lamesa nina Isabel at Arthur, maganda narin iyon para makausap ko si Isabel at matapos na ang dapat tapusin. Nasa kalagitnaan kami ng paguusap ng tumayo si Cynthia, nagkibit balikat na lang ako kasi baka nagugutom siya.

Ikwenento niya saakin na nagkaroon siya ng malubhang sakit kaya mas pinili niyang iwan ako kasi akala niya ay hindi niya makakayang lumaban, pero nakaya niya, medyo gumagaling na daw siya ngayon.Hiningi rin niya na sana maging magkaibigan parin kami at pumayag naman ako may pinagsamahan din naman kami.

Pero hindi pa natatapos ang araw ay may nangyareng hindi inaasahan, nagaway kami ni Cynthia at si Isabel naman ay nakisali pa. Sinigawan niya si Cynthia! Napatingin ako kay Cynthia na nakatago na sa likod ni Cone, napabaling naman ang tingin ko kay Isabel, nakahawak ito sa ulo niya at para bang sobrang nasasaktan, kaya agad akung lumapit doon.
Babalik ako Cynthia, aayusin ko lamang ito, pagkahatid ko kay Isabel sa kwarto niya ay bumalik ako sa kusina upang kuhanan siya ng tubig. Nakaawang ang pinto kaya nakita ko si Isabel na may kausap, na para bang hindi siya umiyak kanina

"Mababawi ko na ulit siya! Hahahaha simula pa lang ito! nahihibang kana ba?! Hindi naman kita mahal! ginamit lang kita! At dahil kasi sa iyo nagkaroon ako ng sakit na ito! hinawaan mo pa ako ng Aids mo! Oo magsisi ka talaga ka-" napalingon siya sa pwesto ko, namutla siya at nabitawan ang cellphone.

"S-sandro" mabilis na kumalat ang galit sa kalooban ko, ibig sabihin niloloko niya ako sa sakit niyang cancer?! Kasi ang totoo ay Aids yoon? At bakit siya magkakaroon noon?! ibig sabihin ba ay habang kami ay may iba siyang lalake?! Pero wala na akung pake doon ang ikinagagalit ko ay sinisira niya kami ni Cynthia.

"S-sandro mali yung inaakala mo" madiin ko siyang tiningnan bago ibinato ang baso sa dingdin at tumakbo papunta sa kwarto ni Cynthia at Cone. Wala sila doon.

Narinig ko ang tawag ni Cone kay Cynthia at sinundan ko iyon, dinala ako nito sa maindoor at naabutan ko si Cone na pinipilit na pigilan si Cynthia pero hindi ito nakinig at pumasok padin sa sasakyan. Tumakbo ako at kinalampag ang pintuan ng sasakyan.

"Cynthia! Cynthia! Sandali!" pigil ko dito pero pinaandar niya lang ang sasakyan, pumasok agad ako sa kotse ko at sinundan namin siya, umuulan at gabi na baka mapahamak iyon. God gabayan niyo po si Cynthia.

May isang nakakasilaw na ilaw at hanggang doon na lang ang natandaan ko.

Napabalik ako sa realidad ng makita ko siyang lumalabas ng pintuan ng bahay nila, agad kung inilabas ang illustration board na may nakasulat na "Sayo Lang" inilabas ko na din ang isang boquet na rose. Ang corny pero gagawin ko iyon para sakaniya.

"Hi" wika ko ng tumapat ako sakaniya.

"Ano to?" natatawa niyang wika, napakagat ako ng labi ko at napakamot sa ulo. Engaged na kami't lahat pero hindi ko parin maalis na mahiya, at tumiklop sa harapan niya.

"Sandro ano?" nakangiti niyang tanong saakin, ibinigay ko ang boquet ng rose at hinawakan ang magkabilang dulo ng illustration board at itinakip sa mukha ko.

"Sayo lang?" nakakunot noo niyang tanong, tumango ako at napakagat ulit sa labi. Mahina siyang tumawa bago ako hinalikan sa labi at pinagdikit ang noo namin.

"Sayo lang din ako"

Sayo LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon