Bumukas ang pintuan hudyat na simula ng maglakad, naglalakad ako habang nakatingin sa unahan kung nasaan siya. Ngumiti siya saakin bago bumulong kay Arthur, umupo agad ako sa upuan kung saan nakaupo ang mga abay.
Dahan dahan na pumasok si Cone, may mumunting luha sakaniyang mata pero alam kung dahil iyon sa kasayahan. Pinahid ko agad ang luha na lumabas sa mata ko, ayaw ko namang agawin ang eksena ng best friend ko hahaha. Napalingon ako kay Sandro, ngumuso siya bago inilagay ang dalawang hintuturo sa magkabilang gilid ng labi bago ngumiti. Napangiti ako kaya mas lalo siyang napangiti.
Akala ko noong oras na iyon na ang huli naming pagsasama, pero mabait ang Panginoon at binigyan niya pa kami ng pagkakataon,
Nagising ako at ang una kung nakita ay si Sandro na nakatingin saakin. Patay na ba ako? Hinaplos ko ang mukha niya.
"Panaginip ba ito?" mahina siyang tumawa, parang totoo din pati rin ang pagtawa niya.
"Parang totoo... Sandro" napahikbi ako, hinaplos niya ang mukha ko.
"Cynthia, kagagaling ko lang sa comatose pagkatapos ikaw ang nakahiga diyan ngayon? Tama na ang dalawang oras na tulog uy" nanlaki ang mata ko at napabalikwas ng bangon.
Masuyo kung hinawakan ang magkabilang pisngi niya "Sandro?" napahikbi ako, ngumiti siya bago ako hinalikan sa noo.
"I'm home" niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak sa balikat niya, Lord thank you po. Maraming salamat.
"Tama na andito na nga ako umiiyak kapa" pinahid ko agad ang mga luha ko at ngumit na.
"I love you" hinaplos ko ang pisngi niya,hinawakan niya ang kamay kung nakahawak sa pisngi niya at hinalikan iyon. "Ilove you too"
BINABASA MO ANG
Sayo Lang
General FictionSa hindi inaasahang panahon nahulog si Cynthia sa hindi din inaasahang tao, at iyon ay si Sandro. Ngunit may mga bagay sa nakaraan ang nagbabalik upang sila ay guluhin. Hahayaan ba nilang sila ay masira nito o ito pa mismo ang magpapatibay sa pagsas...