Chapter 8

30 2 0
                                    

Pagod na pagod ako kakasunod sakanila, kaya napagpasyahan ko na lang na umuwi na at doon na lang magmukmok. Kesa panuudin ang paglalandian nila.

"Hay ang pagodddd" pabagsak akung umupo at naginat sa sofa.

"Sino naman kasing may sabi na sundan mo kami" napalingon ako sa pintuan nakita ko doon si Sandro na may dalawang box ng pizza na dala.

"Alam mo?! Tapos hindi ka man lang nagsabi! Bwisit" umupo ito sa tabi ko, sinimulan ko naman lantakin ang dala niyang pizza.

"Natutuwa akung panuudin ka" inismidan ko lang ito.

"Sorry pala nasukahan kita" bigla ko kasing naalala ang pagiwas niya sakin.

"Ayos lang, masasanay din ako" ngumuso ako "Parang hindi naman, iniwasan mo nga ako eh"

"H-ha? H-hindi ah" nagiwas ito ng tingin.

"Buti na lang nilinisan ako ni Cone kagabi, kundi baka amoy suka ako pagkagising" nguya nguya ko ang pizza, nagiwas siya at lumunok.

"Buti nga, sa kwarto lang ako" agad siyang tumayo at pumasok sa kwarto niya. Weird.

Napalingon ako ng biglang tumunog ang pintuan, iniluwa noon si Cone.

"Oh ikaw lang? Asan si Sands?" napakibit balikat na lang ako at bumaling na sa pinanunuod.

"Saan naman yun pumunta?" tumabi siya sakin at kumuha ng isang pizza.

"Aba hindi ko alam" inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya.

"Oh bakit ka naglalambing?" nagtataka niyang tanong.

"Kasi ang sweet sweet ng best friend ko, binihisan mo ako kagabi thank you!" pinisil ko ang dalawang pisngi niya at hinalikan sa ilong.

"What? Hindi naman ako ang nagbihis sayo eh?" napakalas ako sakaniya.

"Ano?! Edi sino?!" saktong lumabas si Sandro sa kwarto niya, Wag mong sabihin na! omg!

Sayo LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon