Chapter 12

32 3 0
                                    

"Sinong kakilala Cynthia? Kilala ko din ba siya?" napasinghap ako ng hapitin niya ako sakaniya.

"Come on Cyn, kakilala ko ba siya? O ako mismo ang tinutukoy mo?" ngising ngisi ito na naging dahilan ng pagtaas ng balahibo sa batok ko.

"Sandro ano ba" tinulak ko ito pero mas hinapit niya ako, lalong dumikit ang dibdib ko sa dibdib niya.

"Akala mo ba ganon na lang ako susuko? Hindi Cynthia hindi" amoy na amoy ko ang alak habang umiimik siya.

"Sandro stop! You're drunk!" mapupungay ang mga matang tumingin ito sakin at ngumisi.

"No babe, I'm still sober" umiling ako at umalis na para pumunta sa parking lot, alam kung susunod siya sakin.

"Give me your keys" inilahad ko ang kamay ko sakaniya pero ngumisi lamang siya.

"Ako na babe kaya ko pa naman" pumasok siya sa driver seat, sumunod naman ako at pumasok nadin.

"Ihahatid lang kita sa condo pagkatapos ay babalik na din ako" napalingon siya sakin.

"No Cynthia kung nasan ako ay dapat nandoon kadin"

"No Sandro, ihahatid lang kita" bumilis ang takbo ng sasakyan niya.

"Why can't I make you stay?! Pati ba naman ikaw hindi ko kayang pigilan?!"

"Sandro kumalma ka!" pumiyok ako sa sobrang takot, napalingon naman siya sakin at biglang huminahon.

"I'm sorry" ipinarada niya ang sasakyan at agad na lumabas, sinundan ko naman ito.

"Sino ang susundo sayo dito?" napakunot ang noo ko.

"Babalik ka doon diba? Sinong susundo sayo? para malaman ko kung sinong papatayin kung may mangyare mang masama sayo"

"Hindi na ako babalik nakakatamad" mabilis akung naglakad para lampasan siya.

Kitang kita ko ang pagngisi niya bago ako akbayan, nakaakbay siya hanggang sa makapasok kami sa loob ng condo. Madilim na at tahimik, idagdag mo pa ang biglaan pagbuhos ng malakas naulan na sinabayan ng kulog at kidlat.

Sayo LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon