Chapter 20

25 3 0
                                    

Hapon na ako ng magising nagtungo agad ako sa banyo para maligo, nagpalit ako ng isang kulay white na bestida na pambahay. Dahil wala masyadong bahay sa palibot ay lumabas ako sa glass door na nasa kwarto. Patungo pala ito sa dagat, kaya hindi na ako nagabala na magsuot ng tsinelas.

Humawak ako sa kawayan na railing bago bumaba sa hagdanan, naramdaman ko agad ang dagat sa paa ko. kitang kita ko ang papalubog na araw sa dagat, kung paano kainin ng dilim ang gazebo na nasa dagat. Napabuntong hininga ako.

Biglang may pumulupot na braso sa baywang ko, nakilala ko agad ito "I'm sorry"

"Para saan?" pipihit na sana ako paharap pero ipinirmi niya ako at mas lalong niyakap.

"Para sa sinabi ni Inay, sadyang ganoon siya sa mga bago pa lang niya kakilala. I'm sorry" umubob siya sa leeg ko, umikot ako at ikinulong ang magkabilang pisngi niya sa palad ko.

"Okay lang" ngumiti siya bago nilapatan ng halik ang noo ko.

"Pumasok na tayo gumagabi na, at ganiyan pa ang suot mo" ngumuso ito bago ako niyakap at inakay sa loob ng bahay.

Matapos kaming kumain ay agad akung pumunta sa sofa upang magbasa ng libro.

"Anong binabasa mo?" umupo siya sa tabi ko at sumandal sakin.

"Romeo and Juliet" tumango ito sa sagot ko.

"I want to be your Juliet, yung kahit anong dumating satin. Ako padin ang pipiliin mo" ngumiti ito bago ikinulong ang mga pisngi ko sa palad niya.

"I don't want you to be anyone, ayokong maging ikaw si Juliet. Mas gusto kita bilang ikaw. Bilang Cynthia, ang Cynthia ko." napapikit ako ng halikan niya ang noo ko.

Sayo LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon