"Goodmorning manong!" sumalodo naman sakin ang gwardiya ng flower shop kung saan ako bumibili ng bulaklak na binibigay kay Sandro.
"Goodmorning Tina!" bati ko sa favorite kung tauhan nila doon, ngumiti siya saakin.
"Ang ganda ng umaga mo Cynthia ha pa isang buwan na ba ni Prince Charming sa hospital? Anong bulaklak naman ang gusto mo ngayon?" napahagikhik pa ito.
"Yung favorite namin" ngumiti siya sakin bago inabot ang dalawang yellow tulips at ibinalot iyon at ibinigay saakin.
"Yan oh sana magising na si lover boy! At wag mong kakalimutan ha?! Pag nagising na siya kasal na agad agad! At ito pa! Isa dapat ako sa abay!" napatawa ako.
"Oo na! Sana magising na talaga siya, sige na uuna na ako, bye!" kumaway ako bago lumabas, kukuhain ko sana ang susi ko sa bulsa ng jeans na suot ng biglang tumunog ang cellphone ko sinagot ko iyon gamit ang kaliwang kamay bago inipit sa balikat at tenga.
"Hello?"
"C-c-cy-ah!" binuksan ko ang sasakyan ko at pumasok bago hinawakan sa kamay ang cellphone.
"Hello? Choppy eh? Sino ba ito?" beep na lang ang narinig ko kaya tiningnan ko ang cellphone ko, pinatay na ata. Nagkibit balikat na lang ako bago pinaandar ang sasakyan.
Habang naglalakad ako sa hallway ng hospital ay nakita ko si Cone na nakaupo sa waiting area.
"Cynthia!" lumapit ako dito at niyakap.
"Cynthia.. uuwi na kami. Umuwi kana din kaya muna? Natutulog kaba? Tinginan mo nga ikaw" nagaalala niyang wika, Nalaman ko na si Sandro pala ang tumawag saakin kanina para ibalita na lalabas na si Cone. Akala ko talaga kung ano na iyon.
"Ayos lang..dapat lagi akung nandito, paano kung gumising siya diba? Dapat ako ang una ng makita" ngumiti ako ng mapait, hinawakan niya agad ang kamay ko para palakasin pa ang loob ko, yumakap muna kami sa isa't isa bago siya umalis. Tinungo ko ang kwarto ni Sandro, bumuntong hininga muna ako bago pumasok.
"Goodmorning Sandro! Sobrang ganda ng araw ngayon oh! ang sigla sigla, sayang lang hindi mo makikita nawuli ka kasi sa pagtulog mo eh" dumiretso ako sa besides table at inilagay doon ang bulaklak sa vase.
"Hinihintay parin kita, Ilove you Sandro" pinasadahan ko ng haplos ang tungki ng ilong niya bago hinalikan ang noo,

BINABASA MO ANG
Sayo Lang
Ficção GeralSa hindi inaasahang panahon nahulog si Cynthia sa hindi din inaasahang tao, at iyon ay si Sandro. Ngunit may mga bagay sa nakaraan ang nagbabalik upang sila ay guluhin. Hahayaan ba nilang sila ay masira nito o ito pa mismo ang magpapatibay sa pagsas...