Matapos akung makaligo at makapagbihis ay hinanap ko agad si Sandro sa kabuuan ng bahay.
"Sandro?" tawag ko sakaniya habang bumababa sa hagdan. Hinanap ko siya sa buong bahay pero hindi ko siya matagpuan kaya napagpasyahan ko na lang na libutin ang bahay.
Habang sa paglilibot na curios ako sa kung anong meron sa mga kwarto doon, ang unang nasa kanang kwarto ay guest room, kasunod nito ay guest room uli ang nasa tapat naman nito ay parang office. Bigla na lang akung kinabahan ng tingnan ko ang pintuan ng kaduluhang silid.
Dahan dahan kung pinihit ang seradura, puro pink iyon agad ang bumungad sakin. Magaan sa paningin iyon at nagugustuhan ko. habang iginagala ko ang paningin sa kwarto ay ganoon na lamang ang gulat ko ng makita ang picture frame sa besides table na nakataob.
"Hmm natabig siguro" inayos ko ito, at laking gulat ko ng makita ang dalawang tao na magkayakap. Nabitawan ko ang picture frame na nagsanhi upang tumaob muli ito. pumupunta siya dito?! biglang naalala ko ang sinabi ng matandang babae.
"Oo, kaano ano mo ba ito Alesandro? Bakit hindi si Isabel ang kasama mo?" wika ng matandang babae na hindi man lang ako pinukawan kahit sulyap. Ramdam ko na agad na hindi ako nito gusto.
Sumakit ang ulo ko sa pagiisip ng ideya na nandito silang dalawa na nagpapalipas ng oras, araw, buwan dito. Pinaglalaruan ba niya ako?! Napalingon ako sa pintuan ng makarinig ako ng yabag ng mga paa. Inilang hakbang ko ang pintuan at lumabas na parang walang nangyare.
"Aalis na tayo, si Cone" salubong niya sakin sa hagdan, agad akung nagtungo sa kwarto niya at inayos ang mga gamit.
"Tara na'' walang gana kung wika. Nagaalala ako kay Cone pero hindi maialis sa isip ko ang ideya na...
"Cynthia? Sakay na, kanina ka pang tulala. May problema ba?" pilit akung ngumiti bago umiling.
"Wala"
Wala. Wala? Sige paniwalain mo pa ang sarili mo Cynthia na wala lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/80914476-288-k644208.jpg)
BINABASA MO ANG
Sayo Lang
General FictionSa hindi inaasahang panahon nahulog si Cynthia sa hindi din inaasahang tao, at iyon ay si Sandro. Ngunit may mga bagay sa nakaraan ang nagbabalik upang sila ay guluhin. Hahayaan ba nilang sila ay masira nito o ito pa mismo ang magpapatibay sa pagsas...