Pero kung makikita ko siyang may ibang kasamang lalake ay hindi ko makakaya. Hindi ko na kayang magpanggap pa. Bumalik ako sa bar kung saan ko siya iniwan, sinuyod ko ang dance floor at nakita ko siyang umiindayog kasabay ang malaswang tugtog. Uminom muna ako ng tatlong shot ng alak bago lumapit sakaniya.
Kitang kita ko ang mga malalaswang tingin ng kalalakihan sakaniya, para bang mga gutom na hayop na handang handa na siyang sunggaban sa ano mang oras. Hindi ako nagaksaya ng oras at lumapit na sakaniya bago pa may makalapit na iba.
"You're such a bad girl Cynthia, a very bad girl" bulong ko sakaniya, hinawakan ko ang magkabilang gilid ng baywang niya upang mapirmi at hindi niya ako malingon.
"Ayaw mo ba sa katulad ko?" iginiling pa niya ang baywang niya kaya mahina akung napamura, lasing na ba siya at hindi na niya mabosesan ang boses ko?
"No? Yes? You should be tamed babe, dapat sakin ka lang ganito. Dapat ako lang ang nakakakita ng side mo na ito" napahalakhak siya "So possessive. You sound like someone I know" wika niya bago ako hinarap, kitang kita ko ang gulat na rumihestro sa mukha niya ng makita ako.
"Really?" madiim kung wika.
"Sinong kakilala Cynthia? Kilala ko din ba siya?" tinitigan kung maigi ang mga mata niya at hinapit ang katawan niya papalapit sa katawan ko.
"Come on Cyn, kakilala ko ba siya? O ako mismo ang tinutukoy mo?" napangisi ako ng mabasa ang itsura niya. Gotcha babe!
"Sandro ano ba!" tinulak niya ako pero mas hinapit ko lang lalo siya papalapit saakin.
"Akala mo ba ganon na lang ako susuko? Hindi Cynthia hinid" napasinghap siya sa sinabi ko.
"Sandro stop! You're drunk!" mapungay na ang mata ko ng tiningnan ko siya "No babe, I'm still sober" umiling siya at umalis sa harapan ko, hirap na hirap akung sundan siya palabas ng bar dahil sa mga taong nagsasayawan at nahihilo na rin ako.
"Give me your keys" inilahad niya ang kamay niya pero hindi koi yon pinansin.
"Ako na babe kaya ko pa naman" wika ko at pumasok na sa driver seat, hindi ko maitago ang ngisi sa labi ko ng makita siyang sumunod saakin.
"Ihahatid lang kita sa condo pagkatapos ay babalik na din ako" mabilis akung napalingon sakaniya, naginit ang ulo ko dala na rin siguro ng alak.
"Why can't I make you stay?! Pati ba naman ikaw hindi ko kayang pigilan?!" inis kung wika at pinaharorot ang sasakyan.
"Sandro kumalma ka!" ng marinig kung pumiyok siya ay agad akung napalingon sakaniya, kitang kita ang takot sa itsura niya. Ang tanga tanga ko!
Noong gabi na din na iyon ay muntikan ko na siyang maangkin pero pinigilan ko dahil, kahit gustong gusto ko ay nirerespeto ko siya. Hindi talaga ako makatulog noon dahil sa ginawa ko, kaya kinaumagahan ay kitang kita ang itim sa ilalim ng mata ko, pero hindi lang ako ang ganoon siya rin. Hindi rin ba siya pinatulog ng pagiisip?
Hindi kami nagpansinan noon dahil siguro naakwardan na din kami dahil sa nangyare, nakita kung nagmamadali siyang umalis kaya sinundan ko siya. Kita kung palinga linga siya habang naghahanap ng masasakyan, pumunta agad ako sa sasakyan ko at iniharang iyon sa harapan niya. Rumihestro ang pagtataka sa mukha niya, lumabas ako at agad na ipinasok siya sa sasakyan.
Hindi ko siya pinansin hanggang makarating kami sa condo, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Susugal na ako kahit masaktan ako o siya, selfish na kung selfish pero ayokong mawala siya.
"Tama na ang tulakan palayo, magtulakan naman tayo papalapit sa isa't-isa"
Isinama ko siya sa rest house ko sa parteng papuntang Quezon "Wake up sleepy head" marahan kung hinaplos ang pisngi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/80914476-288-k644208.jpg)
BINABASA MO ANG
Sayo Lang
General FictionSa hindi inaasahang panahon nahulog si Cynthia sa hindi din inaasahang tao, at iyon ay si Sandro. Ngunit may mga bagay sa nakaraan ang nagbabalik upang sila ay guluhin. Hahayaan ba nilang sila ay masira nito o ito pa mismo ang magpapatibay sa pagsas...