Chapter 17

27 4 0
                                    

Agad niyang binitawan ang kamay ko at lumabas din naman ako agad patungo sa salas, nagiinit masyado ang pisngi ko yare ka Cynthia!

"Hoy!" natawa si Cone ng magulat ako, umupo siya sa tabi ko, titig na titig siya at ngiting ngiti din.

"Anong meron ha?" sinundot pa niya ang tagiliran ko kaya mas lalo akung nailang sakaniya.

"W-wala ah" nagiwas ako ng tingin pero pinilit niyang hulihin ang mata ko.

"W-wala nga!" pinilit kung titigan siya sa mata pero hindi ko kinaya at nagiwas agad.

"Guilty! May itinatago ka saakin! How dare you!" tumayo pa siya at tinuro turo pa ako, napayuko naman ako. Balak ko naman talagang sabihin sakaniya ngunit ayokong mag assume walang label ang relasyon namin ni Sandro kaya paano ako makakasiguro?

"I'm sorry" yumuko ako handa na sa pagsigaw niya.

"Grabe sa damirami ng nagdaan parang kayo pa ang magkakatuluyan ah!" ngumiti ito sakin kaya alam ko ng hindi ito galit.

"Hindi naman ako sigurado eh, walang label ang relasyon namin. Malay mo isa lang ako sa panakip butas niya para makalimutan si Isabel" napayuko ako sa naisip.

"Cynthia, kilala kita kilala ko din si Sandro.. kaya magkakakilala tayo!" napahalakhak ito kaya napanguso ako. Nababaliw nanaman siya.

"Baliw seryoso, kilala ko si Sandro at hindi niya kayang maglaro ng puso ng isang babae. Nagduda kapa sa isang napaka seryosong lalake. Kung si Arth-" natigilan siya at parang natauhan.

"Basta magtiwala ka lang sakaniya! mahal ka noon" ngumiti siya bilang assurance sakin kaya gumanti ako.

"Oh hala sige na pumunta kana sa kusina at ipagpatuloy ang pangangapa sa putotoy este puso ni Sandro!"

Sayo LangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon