"Bakit ang gwapo gwapo mo padin? Hmm ano bang sekreto mo?" hinaplos ko ang makinis niyang pisngi at mapupula niyang labi. Napabuntong hininga ako ng wala man lang itong ginawa kahit kunting kibot.
"Iha, umuwi ka muna kami naman dito" napalingon ako sa pintuan nandoon si tita Mila at tito Gregorie, ngumiti ako bago kinuha ang sling bag at tumayo.
"Uuwi lang ako ha? Pero babalik ako okay? Babalik ako. I love you" hinaplos ko muna ang ulo niya at hinalkan ang talukap bago umalis.
Nagdrive ako patungo sa bahay, patay na ang mga ilaw. Sabagay pass 10 na at hindi na dapat gising ang mga tao ngayon, dumiretso ako sa kwarto ko. kinuha ko agad ang tuwalya at dumiretso sa banyo.
Matapos akung makapagpalit ay pabagsak akung himiga sa kama ko, tumulala muna ako sa kisame bago unti unting kainin ng antok.
"Cynthia..." luminga ako pero puro itim lang ang nakikita ko.
"Cynthia...Cynthia! Cynthia!!!" luminga linga ako pero ganoon padin, biglang parang may umiiyak habang tinatawag ang pangalan ko. Napaluhod ako at napasigaw.
"Cynthia!" nahigit ko ang hininga ko ng napabalikwas ako ng bangon, panaginip?
"Ma? Ano po iyon?" pumupungas ko pang tanong.
"Si Sandro!" hindi pa nasasabi ni mama ang dahilan ay tumakbo ako palabas sa garahe ng walang suot suot na tsinelas, mabilis kung pinatakbo ang sasakyan para makarating sa hospital.
Naabutan ko si tita at tito na nakatayo sa harap ng kwarto ni Sandro,
"Tita!" nanlalake ang mata nito na lumingon sakin.
"Si Sandro Cynthia!"
Pumasok ako sa kwarto ni Sandro at kinapitan ang kamay niya,
"Pagod kana ba?" napatingala ako upang pigilan ang luha na nagbabadya ng lumabas sa aking mga mata.
"Kung pagod kana, sige na...." naphikbi ako
"Sige na okay na, magiging ayos ako kung hindi mo na kaya" napayakap ako sa kamay niya habang umiiyak, kahit ayokong pakawalan siya kailangan. Ayokong mahirapan pa siya.
Hinaplos ko ang buhok niya bago bumulong "Sandro...tama na" nagsilapitan ang doctor saamin, ang huli kung narinig bago ako mawalan ng malay ay ang tunog ng cardiac monitor.
"Sandro.."
BINABASA MO ANG
Sayo Lang
General FictionSa hindi inaasahang panahon nahulog si Cynthia sa hindi din inaasahang tao, at iyon ay si Sandro. Ngunit may mga bagay sa nakaraan ang nagbabalik upang sila ay guluhin. Hahayaan ba nilang sila ay masira nito o ito pa mismo ang magpapatibay sa pagsas...