The Owner
"Athena, Wake up." Malambing na sabi ko habang tinatapik tapik ang malambot niyang pisngi. Gumalaw naman ito at kinusot kusot pa ang kaliwang mata habang bumabangon, Inalalayan ko naman agad siya roon.
"Bakit kasi kailangan pang pumasok eh.." Mahinang sabi nito habang nag-iinat. Ayan nanaman ang pagiging masungit niya. Naka kunot nanaman ang noo niya habang kinukuha ang tuwalya dahil maliligo na siya.
"I prepared your favorite." Sabi ko dito na nakapag patigil sa kanya sa pag-punta ng banyo. Humarap naman agad ito sa akin. "Can i eat muna?" Malambing na sabi nito at nagawa pang magpa-cute.
Ngumiti na lamang ako dito. "Yes, you can." Sabi ko. Lumapit naman agad ito sa akin at humawak na sa kamay ko.
Kahit gulo gulo ang mahaba nitong buhok, di parin maitatago ang kagandahan ng anak ko. Aba! Sa akin nag-mana eh. De biro lang sa Ama niya lahat nakuha maski ugali at itsura.
Umupo naman agad siya sa upuan dito sa lamesa at hinihintay na lagyan ko ng pag-kain ang plato niya. "My Fave! My Fave!" Magiliw na sabi nito habang ngiting ngiti.
Ngumiti na lamang ako sa kanya habang nilalagyan ko ng paborito niyang Adobo ang plato niya. Tapos Fried rice. Inabutan ko naman siya ng kutsara at tinidor. "You eat na Mommy. I don't want you to be so skinny." Ika nito bago sumubo ay ngumiti muna sa akin.
Kumuha na rin ako ng pagkain ko at sinabayan ko na siya sa pag-kain niya. Ganito kami palagi araw-araw ni Athena.
Minsan ay doon kami natutulog sa bahay ng Lolo at Tita niya pero mas madalas dito sa apartment namin. Mas gusto ko kasing mabuhay ng ako ang nag-susustento sa anak ko. Hindi sa pag-mamayabang pero dapat lang naman 'yon diba? Para matuto ako sa lahat ng bagay kahit nag-iisa ako.
Natapos kaming kumain ng anak ko. Ngayon ay naliligo na siya. Samantalang ako ay kakatapos lang ligpitin ang pinag-kainan naming dalawa.
Habang pinupunasan ko ang maliit na lamesa dito sa bahay. Tumunog ang cellphone ko kung kaya't pinuntahan ko naman agad 'yon na naka patong sa TV namin dito sa sala. Kumunot ang noo ko dahil unregistered number lang ito.
Tinignan ko muna ito bago ko sagutin. Humugot ako ng malalim na hininga bago ko ito sagutin na.
"Hello?" Bungad ko.
"Hi Ma'am Jessica? This is the Yi's Company." Salubong ng kabilang linya.
"Oh? Okay. How are you po?" Magalang na tanong ko.
'Yon nga pala sinabi nung Kaibigan ni Morgan. Yung company na kailangan ng Secretary dahil mag-tatayo daw dito sa pilipinas. Sana naman matanggap na ako dahil kailangan ko na ng pera para sa tuition ni Athena at bayad dito sa Renta ng Apartment. Kasama na doon ang tubig at ilaw at panggastos naming mag-ina.
Nag pass na ako ng Resume noong isang linggo pa. Sana naman matanggap ako.
"Good news Ma'am! You're hired in our company, Congratulations!" Halos mapatalon ako sa sobrang tuwa dahil sa balitang 'yon.
"Really?! Thank you so much po!" Masayang masaya na sabi ko. Narinig ko naman ang pag-tawa niya sa kabilang linya. Oo nga pala, si Victor ang kausap ko yung kaibigan ni Morgan madalas ko kasing makalimutan ang pangalan niya.
Bago niya ibaba ang tawag sinabi niya sa akin na pwedi na akong mag-start bukas. Kahit simple lang daw ang suot ko bukas ay okay muna. Dahil wala pa naman silang napag-iisipan na Uniform.
Polo shirt na white nalang daw ang suotin ko at jeans na itim naka heels daw. Maselan daw kasi yung boss nila. Perfectionist daw gusto daw laging malinis lahat ng bagay. Makakasundo ko kaya 'yon?
BINABASA MO ANG
Would you Love me the same? [WITL BOOK 2] COMPLETED
Fiksi PenggemarAt dahil sa pang-iiwan ni Jessica kay Kris, sa isip isip niya ba'y kinarma niya kaya ang ginawa niyang pag-iwan? Hindi ba't yon naman ang gusto ng mahal niya. Ngayon na nag-balik na ang asawa niya mula sa ibang bansa. At napaka succesful na tao. Kay...