I'm back
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. Mukhang tanghali na yata, Mabuti at sabado naman at walang pasok si Athena. Nagawa ko pang mag-inat habang naka-higa pa.
"Good Morning." Napapaos niyang bati. Dali dali akong lumingon sa gilid ko at bumungad sa akin ang mga masaya niyang ngiti, ang mapupungay niyang mga mata. Ang magugulo niyang buhok dahil mukhang kagigising lang niya rin.
Humarap ako sa kanya. Buong akala ko ay na nanaginip lang ako pero hindi pala. Totoo.. totoo ang lahat. Ang mga nangyari kahapon, totoo.
"Akala ko hindi na dadating 'yong araw na ikaw ang una kong makikita pagka-gising ko." Sabi niya habang hinahaplos ang pisngi ko.
"Ako rin, ang tagal kong hinintay itong araw na 'to." Sabi ko at umasog para yakapin siya.
Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala, na parang sa isang iglap bumalik ang nawala sa akin noon. Kahit gaano pala katagal nawala sayo ang isang bagay o ang isang tao.
Kung para sayo talaga 'yon. Babalik at babalik sayo 'yon sa tamang oras, tamang araw.
"Yung mga panahon na.. wala ako sa tabi mo? Nag-hanap ka ng iba?" Tanong ko at bahagyang lumayo sa kanya.
Narinig ko ang mahina niyang pag-tawa. Tinitigan ko naman agad siya doon. At mas lalo pa siyang napa hagikgik.
Kumunot na ang noo ko. So mayroon nga? "Meron nga?" Nahihiya kong tanong at hinawi ang buhok ko. Umayos siya ng upo at sumandal sa headboard ng kama.
Huminga pa siya ng malalim pero natatawa tawa padin bago sumagot.
Tumikhim siya.
"Hmm.. Other girls wants to date me, but I refused them." Sagot niya at tumingin sa akin.
Kumunot ang noo ko sa kanya. "I'm so damn fcking handsome." Natatawa niyang sabi at hinila ako palapit sa kanya at niyakap ako ng mahigpit.
Dahil sa ginawa niyang 'yon natawa na ako. Hindi ko alam kung dapat ba akong mag-selos. Siguro nung mga panahon na 'yon marami sa kanyang umaaligid na babae.
"Ang yabang mo." Bulong ko. Mas lalo siyang natawa.
"Ikaw? Did you date someone?" Bahagya niya akong nilayo sa kanya. Sumeryoso ang mukha niya ng hindi ko pa sinasagot ang tanong niya.
"Meron.." Sagot ko.
Napa hinga siya ng malalim at natahimik. Lumunok siya bago umupo. Habang nasa likod niya ako ay pigil na pigil ko ang tawa ko.
"Okay." Sabi niya at tatayo na dapat ng yakapin ko siya sa likod. Hindi na siya gumalaw ng yakapin ko siya. Natatawa ako sa kanya, hindi ko alam kung nag-seselos ba siya o ano.
"Do you know..Wu? Kris Wu?" Natatawa kong tanong. Napa yuko siya at mukhang nag-pipigil ng tawa.
"He's the only one--" "Fine, Fine." Humarap na siya sa akin at ginawaran ako ng halik sa labi. Tatawa tawa siya kung kaya't hinampas ko siya sa dibdib.
Sana ganito nalang parati. Ganito nalang sana kaming dalawa parati. Yung wala ng problemang dadating, yung hindi na kami magkaka-hiwalay na dalawa. Yung kami laging tatlo.
"Oh My God, These people." Sabay kaming napa lingon kay Athena. Nagawa pa nitong ngumuso at pumameywang.
Natawa doon si Kris at pinuntahan siya agad nito at binuhat. Pagkatapos ay lumabas na sila ng kwarto, ako nalang tuloy naiwan dito mag-isa.
Nag-suklay muna ako ng buhok ko bago ako tuluyang bumangon. Pagkatapos ay niligpit ko ang pinag-higan naming tatlo.
Hindi kinalaunan, ay nagpaalam sa amin si Kris na uuwi muna para makapag palit ng damit. Pero dito naman siya nag-almusal.

BINABASA MO ANG
Would you Love me the same? [WITL BOOK 2] COMPLETED
FanfictionAt dahil sa pang-iiwan ni Jessica kay Kris, sa isip isip niya ba'y kinarma niya kaya ang ginawa niyang pag-iwan? Hindi ba't yon naman ang gusto ng mahal niya. Ngayon na nag-balik na ang asawa niya mula sa ibang bansa. At napaka succesful na tao. Kay...