Unwanted
"Ate.. I think, Ate Kristel is out of her mind. Why? Hahayaan niyang mag travel ang mag-e eight months pregnant? Is she even thinking? Duh." Aniya ni Krystal habang ginagayak ang maleta ko.
Hindi ako sumagot pero tama siya.
Pinag-masdan ko na lamang siya habang patuloy parin sa pag-aayos ng mga gamit ko.
This past few days, I feel I am his unwanted wife. Hindi 'man lang niya nga ako kinakamusta kung kumain na ako or kung sumisipa si Baby.
"Ate, hindi talaga pwede mag travel ang buntis. Eight months pregnant ka na!" Aniya at iritang irita na ang ekspresyon ng mukha.
I feel like I am not his wife. Sunod lang siya ng sunod kay Ate Kristel though iniisip lang naman ni Ate Kristel yung safety namin ni Athena pero.. Ugh. Hindi ko na alam. Hindi ko alam.
"Jessica. Okay na ba ang mga gamit mo?" Sabay kaming napa lingon ng kapatid ko ng pumasok si Ate Kristel sa kwarto.
"Oh, That's good! Krystal, Hurry up. Baka ma late pa sila sa flight." Sabi muli ni Ate Kristel at lumapit pa kay Krystal para matulungan siya.
Tinignan ko si Krystal na naka simangot. "Ate Kristel, I hope you don't mind.. But my sister is eight months pregnant. Baka naman habang nagba byahe sila eh manganak siya bigla doon?"
Hindi ako makapaniwala na nasabi 'yon ng deretsahan ni Krystal sa kapatid ng asawa ko. Dahan dahan akong napa lingon kay Ate Kristel na naka tingin kay Krystal.
"So you're sayin—"
"I'm saying that I'm concern to my sister and to my soon future nephew." Sabat agad ni Krystal.
"Krystal!" Pag-bawal ko agad sa kanya. "I'm concerned too about them. Kaya nga nagpa book ako ng plane ticket para makalayo sila kay Red diba?—"
"Concerned? My sister is eight months pregnant. Maselan na 'yon sa nag-bubuntis. What if kung manganak siya doon or matagtag?" Sagot agad ni Krystal.
Dahan dahan akong tumayo upang pigilan sila. "Krystal, Enough.." Mahinang sabi ko habang palapit sa kanila.
"So you're saying that I'm not concerned about Jessica and Baby Alexander?!" Tumaas na ang boses ni Ate Kristel.
"Well, Yes!" Napa pikit ako ng mariin at lumapit na ako sa kapatid ko upang pigilan siya.
"Ate, Krystal. Enough please.." Mahinang sabi ko dahil ayoko ng lumaki pa ang namumuong away nila.
"No! Hindi naman siya 'yong asawa ni Kuya Kris diba? Pero bakit siya 'yong desisyon ng desisyon!"
Pumikit ako ng mariin at kinagat ang ibabang labi ko. Hinawakan ko na ang balikat ni Krystal upang pakalmahin at pigilan siya.
Patuloy lang sila sa sagutan at damang dama ko ang pag-sisipa ng anak ko sa loob ng aking tiyan.
Bumukas ang pinto at pumasok doon si Kris. Patuloy parin ang dalawa sa sagutan. Bahagyang hinila ni Kris si Ate Kristel palapit sa kanya.
"What's happening here? Krystal." Kunot noong tanong ni Kris.
Humalupkipkip naman agad ang kapatid ko at deretsahang sinagot ang asawa ko. "Kuya, Don't be so dumb! Can't you see?! Hindi ba pweding mag travel si Ate dahil malaki na 'yong tummy niya. And by the way. She's eight months pregnant. You know that!"
"Bat ba sunod ka nalang ng sunod sa kapatid mo? She's not your wife!"
"Krystal!" Tumaas na ang boses ko at pinigilan na siya. Sinilip ko si Kris na sumama ang tingin kay Krystal.
BINABASA MO ANG
Would you Love me the same? [WITL BOOK 2] COMPLETED
FanfictionAt dahil sa pang-iiwan ni Jessica kay Kris, sa isip isip niya ba'y kinarma niya kaya ang ginawa niyang pag-iwan? Hindi ba't yon naman ang gusto ng mahal niya. Ngayon na nag-balik na ang asawa niya mula sa ibang bansa. At napaka succesful na tao. Kay...