WYLMTS [25]

645 29 4
                                    

Threat

It's been a month. At nandidito na kami muli sa bahay, Sinalubong agad kami nila Daddy at unang una doon ang anak naming si Athena na walang humpay ang sumbong sa akin na palagi siyang iniinis ng kaibigan kong si Nicole.

Pagkatapos kong igayak ang baon ni Athena ay nilagay ko na 'yon sa Lunchbox niya. Sinasabay na kasi siya ni Kris sa pag-pasok, Kesyo sumakay pa daw ng School bus tapos mayroong di magandang mangyari.

Eh mas mainam na daw na siya na ang mag-hahatid at susundo sa anak namin para sigurado.

"Where's my purple lunch box?" Napa lingon ako kay Athena na naka uniform na. Kasunod niya ang asawa ko na kasalukuyang inaayos ang wrist watch niya.

Nag-iwas agad ako ng tingin at napa kagat sa labi. Ang gwapo niya! Wearing a CEO suit and eye glasses.

"Daddy bilis.." Irita na si Athena. Awtumatiko namang napa lingon sa kanya ang Ama niya. "Okay okay.. sungit." Bulong ni Kris habang papalapit sa akin.

Palihim akong napa-lunok habang papalapit siya sa akin. Di ko na tuloy mapigilan ang ngumiti.

"Ang gwapo.." Naka ngiti kong sabi. Natawa nalang ito ng mahina at humalik sa labi ko. "Bye.." Paalam nito at kinuha na ang lunch box ni Athena.

"Bye, Mama." Paalam din ng anak ko. Kumaway na lang ako sa kanya at sinundan nalang sila ng tingin habang papalabas sila.

Nakita ko naman na sinasara ng katulong dito ang malaking gate.

Habang ako naman ay inayos ko nalang ang pinag-gawaan ko kanina. Kasalukuyan kong hinuhugasan ang plato ng mag beep ang cellphone ko.

Tinignan ko naman agad 'yon at nag-text si Kris.

Kris:

May nakalimutan ako..

Kumunot naman agad ang noo ko at agad na nag-tipa ng reply para sa kanya.

Ako:

Ano 'yon?

Pagka-reply ko sa kanya ay binaba ko muna ang cellphone ko at nag-patuloy sa pag-hugas.

Tumunog muli ang cellphone ko at binasa ko na 'yong reply niya.

Kris:

Yung.. I love you ko mula sayo.. :D

Pagkabasa ko 'yon kusang ngumiti ang labi ko. Iba ang saya ang aking naramdaman. Gusto kong tumili pero nakakahiya naman sa mga kasambahay namin dito.

Habang nag-titipa ako ng reply natatawa tawa ako. Ramdam ko nga ang pag-taas baba ng balikat ko.

"Si Girl, Tuwang tuwa!" Isesend ko na dapat ang reply ko pero napa lingon agad ako sa likod ko.

"Kain tayo." Aya ni Nicole at umupo na sa upuan doon  at ibinaba ang mga binili niya sa Dining Table.

Sinend ko na agad kay Kris ang reply ko at pinuntahan na si Nicole na inilalabas ang mga pagkain na binili niya.

"Ano 'yon? Ang baho." Sabi ko at nagawa ko pang takpan ang ilong ko.

Kunot noong lumingon agad sa akin si Nicole. "Ha? Wala namang mabaho ah? Maliligo ka kase." Ika nito sa akin habang nilalabas ang mga binili niya.

"Kain na us. Binili--"

"Nicole? Ano 'yan? Ang baho talaga!" Sabi ko at sinilip agad kung ano 'yong umaamoy na 'yon.

At dalawang pack ng Dried Mangoes ang binili niya. At puro tig-dalawa ang binili niya dahil dalawa naman kaming kakain nito.

Binuksan niya 'yon at mas lalong para akong naduduwal. "Jess! Masasapok kita kahit kaibigan kita. Anong arte mo? Bat buntis ka ba--"

Would you Love me the same? [WITL BOOK 2] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon