WYLMTS [9]

857 32 11
                                    

Mine

"Bakla! Gising, Gising!" Kumunot ang noo ko habang pilit akong ginigising ni Victor. Kung maka yugyog pa! Bumangon naman agad ako at inis na tumingin sa kanya. "Halika na! Kumain na tayo!" Aya nito at hinawakan ako sa kamay at hinila hila na ako. 

"Ayoko.. wala akong gana." Sabi ko at binabawi ang braso ko sa kanya. Papahiga na dapat ako pero pilit niya talaga akong hinihila. 

"Jess, come on. You need to eat." Awtomatikong bumangon agad ako ng marinig ko ang boses ng kapatid niya. Si Ate Kristel Wu. "Babangon rin naman pala, Arte mo din eh." Puna pa sa akin ni Victor kinurot ko nalang siya sa tagiliran. 

Nag-paalam naman ako sa kanilang mag hihilamos lang ako at mag mumumog. Pagkatapos naman ay inayos ko nalang ang buhok ko, at kasabay silang pumunta sa kakainan naming tatlo. 

Pang apat na araw na nga pala namin dito, at gusto ko ng umuwi. Miss ko na ang anak ko, ang kapatid ko at ang Daddy ko. Kahit naman pala sumama ako dito wala parin naman palang mangyayari eh. Ayaw niya akong pakinggan, pinag-tutulakan niya na nga akong lumayo sa kanya. Ang sakit lang. "Aalis na pala tayo bukas ng madaling araw, Tama po ba?" Baling ni Victor kay Ate Kristel. 

Tumango naman agad ang isa. "Yes, kung kaya't mamaya gayak niyo na mga gamit niyo." Bilin nito sa amin at ngumiti pa. Ngumiti na lang rin kami sa kanya. 

Naka rating kami sa Breakfast Area, Isang mahabang lamesa. May mga crew na nagse serve pa ng pagkain. Habang ang iba naman ay mukhang kakagising lang talaga dahil mga naka-tulala pa. "Upo na tayo." Aya ko sa kanila. Humanap naman agad kami ng bakanteng pwesto at naupo na doon. 

Ilang sandali pa, Papunta na silang dalawa dito habang hawak hawak ni Cherry ang kamay niya. Pero siya naman tahimik lang at hindi ako tinatapunan ng tingin 'man lang. Kahit siya ang kaharap ko ay hindi niya ako tinitignan tahimik lang siya kung kumain. 

Umiling iling na lang ako at susubo na dapat ng pagkain ko ng kausapin ako ni Victor. "Ayaw mo?" Tanong nito. Kumunot ang noo ko. "Ha?" Tanong ko rin sa kanya. 

"Umiling iling ka kanina eh. Ayaw mo ba lipat tayo sa iba?" Ika nito. Ngumiti ako sa kanya. "De, Okay lang." Sabi ko at itinuon na ang atensyon ko sa pagkain. Sinilip ko siya pero tahimik lang siyang kumakain. 

Yumuko nalang ako at kumain nalang. 

Baka nga ito yung gusto niya, ang hindi ako makita at maka-usap. Baka nga napipilitan lang siyang ka-trabaho ako eh. Pero kailangan kong mag-tiis, para sa anak ko ang pagta-trabaho ko sa Yi's Company. 

"Sir gaano na po kayo katagal ng Fiancee niyo?" Natigil ako sa pag-nguya ng may mag-tanong 'non. Maski si Victor at Ate Kristel na katabi ko. Ay natigil din at tumingin sa nag-tanong.

Naka yuko lang ako, hindi. Ayoko. Ayokong tignan ang mga mata niya habang sinasagot niya ang tanong na 'yon. Hindi, Ayoko. Hindi pwede. 

Narinig ko ang maarteng pag-tawa ni Cherry. "Uhm Kris and I--" 

"Actually, Kris and Cherry are not in a REAL Relationship when they met." Putol ni Ate Kristel sa dapat sasabihin ni Kris. Gulat akong lumingon sa kanya maski ang kasabay naming kumakain. "They're just fixed marriage." Taas kilay na dagdag ni Ate Kristel at muling ipinag-patuloy ang pagkain. 

Sinilip ko si Cherry na napa lunok at nag-iigting ang panga. "But.. Kris an--" 

"And I'm not sure, If Kris loves her." Dagdag pa ni Ate Kristel. Di ko alam pero natatakot ako sa pweding mangyari. Tinignan ko si Kris na kumakain lang at paubos na ang nasa plato niya. 

At isa pa, Hindi ko akalain na ganito pala mag-taray si Ate Kristel. At pansin ko nga parang sa kanya lang merong respeto si Kris. Yung malaki ba ang takot niya dito. "O-okay po.." Iyon nalang ang nasabi ng nag tanong kanina at ipinag patuloy ang pagkain niya. 

Would you Love me the same? [WITL BOOK 2] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon