WYLMTS [8]

861 38 22
                                    

Break Down 

"I really want you back, Kris." Muli ko nanamang naalala ang sinabi kong 'yon. Pakiramdam ko buong sistema ko ay ginamit ko na para lang masabi ko ang mga linyang 'yon. Akala ko sa sinabi kong 'yon papakinggan niya na ang eksplenasyon ko kung bakit ko ginawa 'yon sa kanya. 

Akala ko kakausapin niya na ako ng masinsinan, akala ko sasabihin niya rin na. Gusto niya rin akong bumalik sa buhay niya, Akala ko sasabihin niyang mahal niya parin ako at hindi nag-bago 'yon katulad ng pag-mamahal ko sa kanya. Pero wala eh.. Halos hindi ko kayang lunukin ang sinabi niya sa akin. 

"What?" Kumunot ang noo niya matapos kong sabihin 'yon. Lumunok ako at mas lalong lumapit sa kanya, Mas lalong kumunot ang noo niya at bahagya pa siyang umatras dahil sa pag-lapit ko. 

Huminga ako ng malalim bago mag-salita. "G.. gusto kong bumalik ka muli sa buhay ko." Nanginginig kong pag-uulit sa sinabi ko kanina. 

Naging tahimik ang buong paligid, kung kaya't napa yuko nalang ako. Habang ramdam na ramdam ko ang mga titig niya sa akin. Mga titig na pinupukol niya sa akin ngayon. Gusto ko ng iangat ang tingin ko sa kanya pero pinapangunahan ako ng hiya. 

Wala 'man lang ba siyang sasabihin? Siguro. Baka siya pa yung nahiya dahil sa biglaang pag-sugod ko dito at sabay sabi sa kanya ng katagang 'yon. 

Hindi lang naman para sa akin yung gusto ko siyang bumalik sa akin eh. Para sa anak naming si Athena, Isa kaming buong pamilya diba? Pamilya na kami. Merong ako, merong Athena, at merong siya. Pero bakit ang damot naman ng tadhana? Wala 'man lang ba siyang naramdaman 'non. Nung nag-kausap silang dalawa ni Athena? Kahit yung tinatawag nilang luksong dugo? Wala ba siyang naramdaman na ganon? 

"Wow.. Just wow." Mahinang sabi niya pero sapat na 'yon para marinig ko. Sa tono ng boses niya parang alam ko na ang magiging sagot niya. Pero hindi, hindi ko siya susukuan. Kailangan ko siya at kailangan siya ng anak namin. Hindi sa pera, kundi sa pag-mamahal niya. 

"You think that easy? Bilib din ako sa'yo eh." Ika niya. 

Pirmis parin akong naka yuko kahit nanginginig na ang ibabang labi ko dahil pinipigilan ko ang pag-luha ko. Hindi pa tama itong umiyak Jess. Hindi ito ang tamang oras. 

"Six years. And you think ganoon lang 'yon kadali?" Napa tawa pa siya at may halong inis 'yon. "Bakit naman ako babalik? Sa taong iniwanan ako noon?" Sarkastiko niyang tanong. Napa kagat ako sa ibabang labi ko. 

Sa katagang niyang binitawan na 'yon ay isang saksak sa sarili ko. Pakiramdam ko ang liit liit ko na. Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa sinabi niyang 'yon. Tama naman siya eh, Bat mo nga ba babalikan ang taong iniwanan ka. 

Dahan dahan akong nag-angat ng tingin sa kanya. Tinitingnan ko ang mga mata niyang naka titig sa akin. Tumaas ang sulok ng labi niya. 

"Kailangan kita.. Kailangan ka nami---" 

"Paano kung di na kita kailangan?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niyang 'yon. Para iyong isang bombang sumabog sa tenga ko. Para akong nabingi, ni hindi ko nga maikurap ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. 

Dahan dahan siyang nag-lakad papalapit sa akin kung kaya't ako naman umaatras. "Kinaya ko ngang wala ka sa buhay ko ng anim na taon." Mariin niyang duktong. 

"H.. hindi ko naman kinayang wala ka sa buhay ko ng A.. anim na tao--" 

"Di mo kinaya? Pero KINAYA mo kong iwan sa ganong sitwasyon?" Putol niya agad sa sasabihin ko. Muli akong yumuko dahil sa sinabi niya.

Would you Love me the same? [WITL BOOK 2] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon