Happy Birthday
Inis akong napa kamot sa ulo ko. Dahilan kung bakit lumingon sa akin si Kris na kasalukuyang nagbu-butones ng costume niya.
Kunot na kunot ang noo ko habang papalapit siya. "Why? Halos mag-dikit na 'yong kilay mo ah." Puna nito sa akin pagka-tabi sa akin sa paanan ng kama.
Ayokong sabihin dahil parang ang isip bata ko naman kapag ganoon. Pinag-masdan ko ang sarili ko sa salamin na naka tapat sa aming dalawa.
"Nagugutom ka ba? You want pizza?" Malambing na tanong ni Kris.
Lumingon ako sa kanya. Ganoon ang tingin niya talaga? Parati akong gutom?
Lately kase tuwing umuuwi siya galing Yi's Company. Tatlong box lagi ng pizza ang inuuwi niya at iba ibang flavor.
Di ko alam kung bakit bitin pa ako doon.
"Ano akala mo sa akin? Palaging gutom?" Inis na tanong ko sa kanya. Imbis na magulat siya ay natawa nalang ito ng natawa.
Mas lalo akong nabwisit dahil sa pag-tawa niya. Gusto niya siguro akong tumaba ng tumaba.
"Ang taba taba ko na!" Di ko napigilan ang sarili ko at doon dahil sa sinabi kong 'yon mas lalo siyang natawa ng natawa.
Kita na ang umbok ng tyan ko dahil ang bilis lang ng panahon. It's been a couple of months, Limang buwan na ang pinag-bubuntis ko. Hindi ko naman namalayan 'yon dahil sa pag-aalaga ng mag-ama ko.
"Pana'y kasi uwi mo ng pizza! Di mo ba naisip na tataba ako don?" himutok ko.
Tawa lang siya ng tawa kung kaya't tumayo na ako pero hindi pa 'man din ako nakaka-lakad ay maingat niya na akong ikinandong sa lap niya at niyakap.
Sinimangutan ko siya at pilit na kumakawala pero ayaw niya. "Shh.. tama na. Okay, sorry na. Di na ako tatawa." Malambing na sabi niya sa akin at hinalikan ang pisngi ko.
Unti unting nawala ang pagka-simangot ko.
Alam ko kapag buntis ay matampuhin, emosyonal ganoon. Kung kaya't sobra akong nagpapa-salamat sa kanya dahil sa haba ng pasensya niya sa akin, minsan kasi. Paulit ulit nalang ako, parehas lang ng dahilan.
Kahit ako 'yong mali ay aakuin niya 'yon.
Ang sarap pala sa pakiramdam kapag habang nag-bubuntis ka si Kris ang asawa mo. Mahaba ang pasensya at maalaga.
Pero 'yon ang ikina-iinis ko sa kanya. Hindi ba niya kayang magalit o mainis 'man lang sa akin? Dahil ang oa at ang childish ko na minsan. Tsk.
Tapos 'yong Secretary niyang bago. Kaya ayokong umalis sa trabaho kong 'yon eh.
Minsan bumisita ako sa opisina niya. Malayo palang ako doon, kitang kita ko kung paano niyang titigan ang Asawa ko. Ang lagkit! Eh hindi naman sana sakanya 'yon.
Kung tignan pa ako kapag pumupunta ako doon ay para akong isang butete kung tignan niya habang nag-pipigil ng tawa.
Kung dati kasi'y size ko lang ay Small o Medium ngayon ay Large na. At ayokong maging XL.
Paano nalang diba? Kapag naging lumba lumba na? Iiwan niya na ako? Ipapalit niya na sa akin 'yong Secretary niya?
Ugh! Bakit ba umaabot ako sa ganitong pag-iisip.
Maingat niya akong inupo sa tabi niya. Hinarap niya ako sa kanya at nginitian agad ako.
Bagay na bagay sa kanya 'yong suot niya. Ang costume niya kasi ay siya 'yong Beast samantalang ang anak naman naming si Athena ay si Belle. Kung kaya't pinasadya pa ng Lola ni Kris na gandahan ang gown nito.

BINABASA MO ANG
Would you Love me the same? [WITL BOOK 2] COMPLETED
FanfictionAt dahil sa pang-iiwan ni Jessica kay Kris, sa isip isip niya ba'y kinarma niya kaya ang ginawa niyang pag-iwan? Hindi ba't yon naman ang gusto ng mahal niya. Ngayon na nag-balik na ang asawa niya mula sa ibang bansa. At napaka succesful na tao. Kay...