WYLMTS [38]

287 11 0
                                    

Choose them

"Yes, Hawak ko na siya ngayon." Narinig kong sabi niya sa kausap niya sa cellphone.

Hindi ko magawang bitawan si Xander buhat buhat ko lang siya. Paano niyang naging Ina siya ni Red?

"Ewan ko ba naman, mana lang sa kanila 'yong mga bodyguards nila. Mga bobo." Sabi niya pa habang naka tingin sa akin.

Tumitig ako sakanya. Sumagi sa isip ko, Kaya pala ganoon na lamang ang tingin niya sa akin 'non nung nag-hahanap palang kami ng mag-aalaga sa anak kong si Xander.

Dapat pala ay hindi nalang kami kumuha ng mag-aalaga sa aking anak. Hindi sana mangyayari 'to.

Kumalabog ang pinto nitong kwarto at mayroong mga lalaki na mga naka-itim at naka-takip ang mga mukha.

Sumenyas siya na kukunin ang anak ko ngunit tumayo agad ako at lumayo sa kanila. "Ibigay mo sakanya 'yong anak mo." Utos niya.

Umiling agad ako at mas lalong lumayo. Itinutok niya kay Xander ang baril na hawak niya.

Nanginginig ang buo kong katawan at binabangga ng laba ang aking puso. "Please! Wag." Umiiyak kong pakiusap.

"Ade ibigay mo sakanya 'yong anak mo!" Sigaw niya. Lumapit agad sa amin 'yong lalaki at kukunin na dapat ang anak ko.

"Ibigay mo na, kung ayaw mong masaktan pa 'yong anak mo." Sabi nito.

Mas lalo akong napa hagulgol ng unti unti ko na siyang maingat na ibinigay doon sa lalaking malaki ang pangangatawan. "Perfect." Sabi ng Ina ni Red.

Napa yakap na lamang ako sa aking sarili. Habang iniisip ang aking mga anak.

"San mo dadalin ang anak ko?" tanong ko at sumusunod sakanila.

Mahigpit niya akong hinawakan sa braso upang pigilan. Pumipiglas ako. "Sige! Ipuputok ko sa ulo mo 'to!" Sigaw niya at idikit sa aking ulo ang dulo ng baril.

"Bakit hindi mo ituloy?! Hindi ba't ako lang naman ang kailangan niyo dito?! Bakit kailangan niyo pang idamay ang mga anak ko?!" Sinapok niya sa akin ang dulo ng baril kung kaya't bumagsak ako sa sahig dito.

Damang dama ko ang malapot na likido sa aking bandang kilay. "Mayabang ka pa ah. Eh kung totohanin ko ngayon 'yang sinasabi mo?!" Sabi niya at itinayo ako ng mga kasama niya.

Wala akong ibang nagawa kundi ang mapa-iyak na lamang. "Wag mong sasaktan 'yong mga anak ko. Parang awa mo na." Umiiyak kong pakiusap sakanya.

"'Yong paulit ulit niyong sinaktan 'yong anak kong si Red? Naawa ba kayo?! Hindi diba?!" Sigaw niya at sinampal ako ng malakas sa aking pisngi.

"Naaalala mo pa ba kung paano mong sinira ang mukha ng anak ko? Naaalala mo pa ba 'yon?! Ni ayaw niya ng lumabas ng kwarto niya dahil sa ginawa mong 'yon! Sinira mo ang buhay ng anak ko. Sinira niyo ang buhay ng anak ko!" Sigaw niya at sinampal muli ako at tinulak kung saan.

Patuloy lang ako sa pag-iyak. Huminga ako ng malalim. "Nagkaka-mali ka! Hindi ako ang gumawa ng 'yon sa anak mo—""

"Bobo! Anong tingin mo sa akin? Tanga?! Kitang kita ng lahat na ikaw ang may hawak ng kutsilyo! Ngayon, sabihin mo sa akin na hindi ikaw ang may gawa 'non!" Sigaw niya at nagpa-putok ng baril malapit dito sa tabi ko.

Tinamaan ang flower vase at nabasag 'yon agad! Napa takip ako sa aking tenga.

"Hindi nga ako ang may gawa 'noon! Si Cherry ang may hawak 'non! Hindi ko na nagawang magpa-liwanag 'non dahil takot na takot ako sa nangyayari 'noon!" Umiiyak kong sabi.

"Sinungaling!" Sigaw niya at muling nagpa-putok.

Napa takip muli ako sa aking tenga sa sobrang takot. "Totoo lahat ng sinasabi ko. Wala akong inagaw kay Red. Hindi ko naman kasalanan na gustuhin ako ni Kris." Umiiyak kong tugon.

Would you Love me the same? [WITL BOOK 2] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon