WYLMTS [20]

805 30 3
                                    

Red Ribbon

"You like it?" Tanong sa akin ni Kris habang pinag-mamasdan ko ang kabuuan ng bahay. Isang linggo na pala ang lumipas simula ng mai-labas ako sa Hospital. At ang paa ko ay maayos na.

Tumango agad ako at binalingan siya na naka pamulsa habang naka ngiti sa akin. Naka suot siya ng  dark blue polo shirt na tineternuhan niya ng black jeans at white rubber shoes. Ang pogi niya talaga!

Samantalang ako ay naka red dress at tinernuhan ko ng flat shoes kong kulay flesh.

"Bakit kailangan mo pang bumili ng bago? Okay naman na 'yong dati diba?" Sabi ko.

Maluwang ang loob ng bahay. Mayroon narin mga gamit at Christmas Tree na magaganda ang design. Sabi niya hanggang Third floor ang bahay na ito. Pero ayos lang naman sa akin sa dati naming bahay at hindi naman niya nadin kailangan pang gumastos.

Muli kong pinag-masdan ang kabuuan ng bahay. "Because.. This is my Christmas gift to you." Sagot niya at niyakap ako mula sa likod at hinalikan sa pisngi.

Mahina na lamang akong natawa. Sabi niya nga noong nasa Hospital kami. Dito nalang kami mag-celebrate lahat ng pasko. At alam ko namang dadating na mamaya ang mga kaibigan niya at sila Daddy.

Nakwento niya pa sa akin na sinabi niya kay Daddy na lumipat na sila dito. Pero tumanggi naman si Daddy at natawa pa siya sa dinahilan nito. Paano daw naming masusundan ang anak naming si Athena kung nandidito sila ni Krystal.

"Let's see the pool area?" Alok niya. Tumango agad ako at pinuntahan nga namin 'yon.

Isang infinity pool ang sumalubong sa amin at meron pa itong fountain. At pinasadya niya pa talaga ang outdoor playground.

Kaya ngayon. Kitang kita ko ang mga ngiti ni Athena na ngayo'y tuwang tuwang nag-lalaro sa Sandbox.

"Mag-hire kaya tayo ng Nanny para kay Athena?" Napa lingon ako sa suhestyon niya. "Ha? Bakit?" Tanong ko agad.

Malaki na ang anak ko tapos kailangan pa ng Yaya? "Malaki naman na din si Athena diba? Palalakihin mo bang spoiled ang anak natin?" Sabi ko at humalupkipkip.

Natawa siya ng mahina at tumikhim. "That's not what I mean. Baby.. I mean, paano nalang kapag nagka baby tayo ulit? Hindi mo masyadong maaalagaan 'non si Athena." Sagot niya.

Napa lunok ako sa sinagot niya at tipid na lamang akong ngumiti. Baby? Kaka propose pa nga lang niya sa akin eh.

Sa tuwing naaalala ko ang araw na 'yon. Hindi ko maiwasang uminit ang magkabila kong pisngi at mapa-ngiti. Ganoon pala pakiramdam kapag nag-propose sayo yung taong mahal mo. Ang gaan gaan sa pakiramdam.

"Anong oras nga pala sila dadating?" Tanong ko. "Maya maya nandito na ang mga 'yon." Sagot niya at nilapitan si Athena.

Naki sali siya doon sa anak niya. Habang pinag-mamasdan ko sila napa hawak na lamang ako sa maliit kong tyan. Ang saya siguro kapag meron na kaming anak ulit.

Sana.. lalaki naman. At sana kamukha ko.

Natawa ako ng makita kong gumuho ang sand castle ni Athena dahil naurungan 'yon ni Kris. Tumayo agad ang anak ko at pumameywang sa harap niya at naka nguso ito.

Imbis na gayahin ni Kris niyakap niya na lamang ito at pinanggigilan halikan sa pisngi at dahil doon tuwang tuwa naman si Athena.

"Wow.. ganda." Napa lingon ako sa nag-salita. Si Nicole pala habang merong dala dalang dalawang wine. Hindi talaga mawawala sa kanya ito.

"Sakto lang pala dating ko eh. Nag-text sa akin si Jiyeon, papunta na din sila." Sabi pa nito.

Hindi na ako mag-tataka na madali lang silang napa lapit sa loob ng isa't isa. Mababait naman sila Jiyeon at mabait rin naman si Nicole.

Would you Love me the same? [WITL BOOK 2] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon