WYLMTS [21]

759 29 3
                                    

Tayo ba talaga?

"Ayokong umalis sa trabaho, Kris." Sabi ko.

Lumingon siya sa akin habang isa isang nilalabas ang mga paputok na binili nila ni Tao, kanina. Dating gawi lang. Dito sila magba bagong taon. Dahil yung mga magulang daw nila sa ibang bansa magba bagong taon.

"Hon.. bakit?" Tanong nito at itigil muna ang ginagawa. Lumapit ito sa akin at umupo sa tabi ko.

"Sanay na akong nagta-trabaho at saka.. ayoko namang dito lang lagi sa bahay." Sagot ko.

Humugot ito ng malalim na hininga at hinawakan ang dalawa kong kamay. "At saka.. mahirap na kapag yung Secretary mo.." Hindi ko matuloy tuloy ang gusto kong sabihin.

Baka kasi isipin niya eh patay na patay ako sa kanya. Pero 'yon naman ang totoo talaga. The way he looked at me, everything.. tingin ko lahat ng nasa katawan niya ay perpektong perpekto.

Suplado siya sa mga taong hindi niya kilala. Pero kapag sa aming pamilya niya at kaibigan niya? Mapag-mahal siya.

"Agawin ako sayo?" Dugtong nito. Tinignan ko siya sa mga mata niya habang natatawa tawa siya.

"Hindi." Sabat ko sabay tayo. Narinig ko ang pag-halakhak niya at lumapit muli sa akin at niyakap ako sa likod.

Itukod niya ang baba niya sa balikat ko. At bahagya akong hinalikan sa pisngi. "Ayoko lang na mapagod o ma stress ka sa trabaho." Malambing na sabi niya.

Hinawakan ko ang mga braso niyang naka palupot sa akin. "Hindi naman nakakapagod yung trabaho ko eh. At saka ayaw mo 'non? Mag-kasama tayo." Sabi ko.

Ramdam ko ang pag-hinga niya ng malalim. "Fine fine.. kelan ba ako nanalo sayo?" Natatawa niyang sabi.

Humigpit ang yakap niya at muli akong hinalikan sa pisngi ko. Ngumiti na lamang ako sa kanya habang sabay na dinadama ang malamig na hangin at ang higpit ng yakap niya.

"I love you.." Bulong niya. Napa tawa nalang ako ng mahina.

"Baka meron ng pumutok." Sabay kaming napa lingon ng asawa ko kay Kai na papalapit sa amin habang natatawa tawa. Aalis dapat ako pero humigpit ang yakap ni Kris. "Ang gago mo Kai!" Natatawang bulyaw ni Sehun.

Uminit agad ang magkabila kong pisngi. Hindi ko alam kung aalis ako o yuyuko nalang dito. Iba talaga silang mag-usap na magkakaibigan na lalaki. Minsan kuhang kuha mo kung ano ang ibig nilang sabihin! At minsan naman hindi.

"Oo, mamaya 'yang nguso mo." Ika ni Kris at kumalas na sa yakap. Mas lalong napa halakhak si Sehun ng sabihin 'yon ni Kris.

Samantalang si Kai naman nag-middle finger nalang sa asawa ko habang natatawa tawa.

"Tito! Hindi po pupunta sila Isabelle saka Steven?" Singit ng anak kong si Athena.

Lumingon sa kanya ang dalawa. "Pupunta. Kaso mamaya pa eh." Naka ngiting sagot ni Kai. "Si Isabelle kasama si Tita Yuri mo, buying gift for you." Sagot naman ni Sehun.

Nag-liwanag agad ang mukha ni Athena. "For me? again?" Tuwang tuwang tanong ng anak ko. Naka ngiting tumango naman agad si Sehun.

Would you Love me the same? [WITL BOOK 2] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon