WYLMTS [30]

459 23 0
                                    

Hindi na

"Dad! Will you please stop blaming my husband?!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong pag-taasan ng boses si Daddy.

Parehas kaming nasa sala at pinag-tatalunan parin namin ang nangyari. Sinisisi niya sa lahat si Kris, sinisisi niya ang asawa ko dahil sa lahat ng nangyari.

Hindi naman kami pinabayaan ni Kris. Ginawa niya na ang lahat ng kaya niyang gawin pero nangyari parin ito. Kung tutuusin ay ako dapat ang sisihin nilang lahat at hindi si Kris.

"This is not his fault. It's mine! Kase ako naman talaga 'yong nakipag kita kay Red."

Tumitig siya sa akin. "Kasalanan niya 'to! Siya ang dahilan kung bakit galit na galit si Red diba?! Siya ang dahilan ng lahat ng 'to! Siya ang dahilan kung bakit nasa ICU parin ang apo ko!" Nanginginig siya sa galit.

Hindi ko na alam kung ano pa ang paliwanag kong sasabihin sa kanya na hindi nga kasalanan ng asawa ko! Kasalanan ko!

"Dad, ako 'yong nakipag usap kay Red. Walang alam doon si Kris! Wala. Please.. Daddy, wag niyo naman isisi lahat sa asawa ko.." Mahinahon kong sabi sa kanya.

Mariin siyang umiling at tumayo. "Kapag may nangyaring hindi maganda sa apo ko, Wag na wag mo siyang ipapakita sa akin.." Aniya at tinalikuran na ako.

Tarantang sumunod sa kanya si Taemin palabas nitong bahay namin.

Napa hinga na lamang ako ng malalim at tumingala upang huwag tumulo ang mga luha kong nagba badya kanina pa.

Pinilig ko ang ulo ko at nag-tipa ako ng text para sa kaibigan kong si Nicole na kasama ngayon si Micah dahil sila ang nag-babantay ngayon sa anak ko dahil bawal akong mag-puyat doon.

Nag reply naman agad siya na ganoon parin. Mag-iisang linggo na ang anak ko sa ICU dahil tinanggal ang bala ng baril malapit sa kanyang puso kung kaya't ganoon.

'Yong mga oras na 'yon ay hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin. Kung bantayan at bilangin ko ang bawat pag-hinga niya. Kamuntikan ko pang mapabayaan ang aking sarili.

Inutusan ko nalang ang mga kasambahay na isara nalang ng mabuti ang mga pinto, Pagkatapos ay pumanik na ako sa kwarto naming mag asawa.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto namin at natanaw ko agad siya. Naka tayo siya mula sa malaking bintana at batid kong malalim nanaman ang kanyang iniisip.

Lumapit agad ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Dahan dahan niya akong nilingon at tipid na nginitian, inakbayan niya agad ako at maingat na hinapit papunta sa kanya.

Lumipat siya sa likod ko at niyakap ako mula sa likod. Hinahaplos niya ang aking tiyan.

Gusto kong maiyak dahil sa ginagawa niya. Alam ko at ramdam ko, sinisisi niya rin ang sarili niya kung bakit ganito nalang ang nangyari sa anak namin.

Pero bakit? Wala siyang kasalanan doon. Kundi ako. Ako naman talaga diba.

"Sorry Baby, Your daddy is a failure." Halos pumiyok niya ng sabi habang hinahaplos ang tiyan ko.

Sa salita niyang 'yon tinusok agad ang puso ko. Damang dama ko ang pag-sipa ng aming anak.

"Kris.. don't blame yourself." Naiiyak kong sabi.

Unti unti akong humarap sa kanya. At siya ay naka yuko lang.

"I'm sorry, Jessica. I brought you to this hell. I'm sorry." Tuluyan na siyang bumigay at napa iyak na lamang habang naka-yuko.

Umiling agad ako at sinapo ko ang magkabila niyang pisngi gamit ang dalawa kong palad. "No. No, please. Kris, don't blame yourself. It's not your fault, kaya lang sinasabi 'yon ni Daddy dahil nag-aalala lang siya kay Athena." Alo ko sa kanya.

Would you Love me the same? [WITL BOOK 2] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon