WYLMTS [34]

382 14 1
                                    

Alexander

Naka higa na ako dito sa Hospital Bed habang hinihintay ko nalang na dalin ako sa delivery room. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kung takot ba o saya.

Humugot ako ng malalim na hininga at hinaplos itong malaki kong tiyan. I'm gonna touch him, I'm gonna see him now.

"Cancel all my meetings." Napa lingon ako sa pinto habang mayroon siyang kausap. Mayroon siyang dala dalang diaper bag at nandodoon na ang kailangan ng baby namin.

"My wife needs me, Okay? This is more important than that papers and meetings." Ang kausap niya siguro ay ang secretary niya.

Nilapag nito sa maliit na couch doon ang diaper bag at lumapit agad sa akin.

Binaba niya na ang tawag at nilapag niya doon ang cellphone niya. Hinubad niya agad ang coat niya at niluwagan ang neck tie. "Nervous?" Hindi ko alam kung tanong niya sa akin 'yon o ano.

Tinitigan ko siya. "Wait." Paalam niya ng pumasok siya banyo ng mayroon siyang dala dalang mga damit.

Hinintay ko na lamang siya. Sa pag-hihintay kong 'yon ay bumukas ang pintuan nitong room at pumasok doon si Siwon kasunod ang iilang mga nurse.

"How are you, Mrs. Wu?" Naka ngiting tanong nito habang tinitignan ako. Ngumiti na lamang ako sakanya. "Kinakabahan ako.." Mahinang sagot ko at bahagyang natawa.

Natawa ito habang pinag-mamasdan ako. Chine-check up rin ako ng mga nurse na kasama niya.

"Hey.." Napa lingon si Siwon kay Kris na kakabihis lang. His wearing a black slacks and white t-shirt.

"Pangalawa mo na 'to diba? Galing ah. Lalaki naman." Sabi ni Siwon habang pinag-mamasdan kaming dalawa ni Kris.

Ngumiti na lamang ako sa kanya. "Oh, I'll see you around. May kailangan pa akong gawin." Paalam niya sa amin.

Tumango nalang ang asawa ko at ngumiti. Lumabas narin si Siwon at ang mga nurse na kasama niya. Bagay na bagay sakanya 'yong white coat niya.

"How's Sehun?" Tanong ko ng bumaling ako sa asawa ko. Lumingon agad siya sa akin at hinaplos ang buhok ko.

"He's fine now, Don't worry." Sagot nito at ngumiti.

"Is he mad? Yoona?" Nag-aalala kong tanong.

Ito kasi ang pinaka ayoko sa lahat 'yong madadamay 'yong mga taong malalapit sa amin dahil sa akin. Pati si Sehun na nandodoon lang ay nadamay na pati 'yong guard namin na si Kuya Teddy nadamay na.

Siguro nga, baka tama 'non si Ate Kristel. Mas mainam sigurong pumunta nalang kami sa ibang bansa at doon nalang nanirahan kesa dito, mayroon pang nadadamay.

"No.. baby.." Aniya at bahagyang lumapit sa akin. "Hindi sila galit, hindi ka nila sinisisi." Dagdag niya habang hinahaplos ang aking buhok.

Nanggilid ang mga luha ko nakita niya 'yon kung kaya't hinalikan niya agad ako sa aking noo. "I'm always here, Don't worry. Magalit 'man sila sayo. Wala akong pakielam." Sabi niya.

"Pwede ba? Kapag nanganak na ako. Pwede bang umalis na tayo dito? Ayoko ng mayroon pang madamay na iba." Naiiyak kong paki-usap sa kanya.

I will not do this for myself. I will do this for my Athena, Him and for our new baby. Ayokong pati ang mga anak ko ay masaktan ng dahil kay Red, Cherry o kay Sandy.

I want a peaceful life for them, ayoko silang madamay. Gusto kong maging maayos at mapayapa ang pag-laki nila.

Bumukas ang pintuan kung kaya't napa lingon kami doon. Isa isa silang pumasok na mayroong mga daling pagkain.

Would you Love me the same? [WITL BOOK 2] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon