WYLMTS [16]

988 45 8
                                    

Together

Kinagabihan

Hinayaan kong hilahin ako palabas ni Nicole mula sa loob nitong Apartment namin. Nagawa pa naming lumabas ng gate at pumunta kung nasaan naka parada ang sasakyan ni Kris.

Kanina kasi pagka uwi namin dito. Laking gulat niya na magkahawak kamay kaming pumapasok. Siya kasi lagi ang nag-babantay kay Athena kapag wala ako.

Alam ko naman na ang sasabihin niya at naiintindihan ko naman na agad 'yon. "Jess. Ano 'to?" Bakas sa mukha niya ang pagka-irita.

"Nicole.." Sabi ko. Kahit hindi niya maintindihan.. pilit ko parin sa kanyang ipapa-intindi 'yon.

"Jess.. akala ko ba--"

"Nicole. Alam mo namang ito yung araw na matagal ko ng hinihintay diba?" Nag-simulang manginig ang ibabang labi ko. Kitang kita ang pag-buntong hininga nito.

"Ito rin naman ang araw na hinihintay mo din diba? Para sa akin.. para sa inaanak mo." Dagdag ko.

Tumango tango agad ito. "Pero Jessica, My point is.. Yes, ito nga yung araw na pinaka hihintay natin na nangyari na. But.. what if? What if kung saktan ka nanaman niya? Ipagtulakan ka nanaman niya? Jess.. halos ikamatay mo 'yon." Sabi niya hahang hawak hawak ako sa magkabilang balikat ko.

Oo, tama siya. Halos ikamatay ko nga noong nag-hiwalay na kami. Iniwan ko siya at umalis naman siya noon.

At naiintindihan ko naman si Nicole kung bakit niya 'yon sinasabi sa akin. Nagmamalasakit lang siya. "Jessica.. ayoko lang na masaktan ka ulit. Ayoko lang na makikita ka nanamang umiiyak ng dahil sa kanya." Napa yuko siya matapos niyang sabihin 'yon.

Dahan dahan akong napa ngiti. Masarap sa pakiramdam kapag mayroon ka talagang kaibigan na nag-mamalasakit talaga sayo, na totoo sayo. "Just be Happy for me, For your inaanak. Nicole." Naka ngiting sabi ko sa kanya habang hinahaplos ang balikat niya.

Umangat ang tingin niya at ngumiti na siya. Yumakap siya sa akin kung kaya't tinugon ko rin naman agad 'yon. Pero kumalas rin agad kami.

"Did you guys had sex already?" Tanong niya habang naka ngiti ng malapad.

Nanlaki agad ang mga mata ko dahil sa tanong niyang 'yon.

Wtf. Nicole! Halos huminto ako sa pag-hinga dahil sa tanong niya.

Hinampas ko agad siya sa balikat niya na natatawa tawa din. "Ano? Answer me." Natatawa niya pang dagdag.

Muli ko siyang hinampas. Humahagalpak na siya ng tawa at napapa hawak pa siya sa sarili niyang tyan.

"Nicole. Yuck ka!" 'Yon nalang ang nasabi ko at muling pumasok nalang ng Gate. Naka sunod siya sa akin na patuloy parin sa pag-tawa.

Nilingon ko siya bago kami pumasok ng pinto. "Fine." Huminto na siya sa kakatawa saka kami pumasok sa loob.

Nakita ko naman agad ang Mag-Ama ko na nag-uusap sa sala. Naka kandong sa kanya si Athena habang nakikinig sa sinasabi niya. Looks like his telling our daughter a story. Doon naman mahilig si Athena.

"Ya! Wu!" Sumigaw si Nicole kung kaya't kaming tatlo napa lingon agad sa kanya. Pagkatapos ay binalik ko ang tingin ko kay Kris na naka lingon parin kay Nicole.

God! Ngayon pa ba sila mag-aaway? In front of my Athena?

"Good Night!" Kumunot nalang ang noo ni Kris at Athena. Kailangan talagang sabay? Mahina akong napa tawa dahil doon.

Lumapit si Nicole sa couch na kung nasaan nandoon ang bag niya. "Good Bye.." Paalam niya sa inaanak niya. Saglit niya itong hinalikan sa pisngi saka lumapit sa akin at nag-paalam narin. Tatawa tawa itong umalis.

Would you Love me the same? [WITL BOOK 2] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon