WYLMTS [27]

472 21 4
                                    

Space

Dahan dahan kong iminulat ang dalawa kong mata at sumalubong kaagad sa akin ang puting kisame at nakaka-silaw na ilaw dito. Alam kong nasa hospital ako at magaan na ang aking suot.

Naalala ko ang mga nangyari, kaagad kong kinapa ang tiyan ko at umupo ng tuwid at tinignan. Mayroon agad na humawak na dalawang kamay sa aking braso at mistulang pinapakalma ako.

"Shh.. calm down. Baby.." Bakas sa pag-aalala ang boses niya. Pero hindi ko 'yon pinansin.

"Kamusta yung baby ko? Kamusta yung magiging baby ko?" Hindi ko napigilan ang mapa iyak. Natatakot ako, dahil wala akong nararamdaman sa aking loob.

"Kris! Sumagot ka!" Halos humagulgol na ako malaman ko lang ang sagot kung mayroon pa bang baby sa laman ng tiyan ko o wala na.

Lumunok siya at tumikhim. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at pinapakalma parin. So ano nga?

"Our baby is fine, Don't worry.. please. Calm down." Mariin niyang sabi habang pinupunasan ang mga luha ko.

Noon palang ako naka hinga ng maluwag. Tumango agad ako sa kanya at tinanong kung nasaan si Athena, sinabi niya ay nasa bahay ngayon nila Daddy.

Wala siyang ibang pweding pag-iwanan 'non. Alam ko  'yon at ramdam ko 'yon.

Sa nangyaring 'yon ay tila ba'y para akong napagod nalang bigla, tumamlay nalang bigla.

Tinitigan ko lamang siya habang naka titig rin sa akin na alalang alala. Hindi ko alam pero wala akong maramdaman ngayon sa kanya. Dahil ba sa ama niya ang tumulak sa akin at kamuntikan ng mapahamak ang baby ko?

"Meron ka bang gustong kainin? Inumin?" Tanong niya habang hawak hawak ang kamay ko.

Lumunok ako at umiling.

"Sure?" Paninigurado niya. Tumango ulit ako, sa ngayon. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon.

Gusto kong magalit, gusto kong mayroon akong sisihin pero sino naman? At bakit? Alam niyang ang Ama niya ang may gawa sa akin nito. Pero bakit pakiramdam ko? Para siyang madadamay sa inis ko. Hindi dapat diba?

Ayoko pero 'yon ang namumuong pakiramdam ko.

"Sinabi sa akin ng Doctor na kailangan mo munang magpa-hinga, na stress ka daw masyado at medyo mahina ang kapi--"

"Yes, Kris. I'm not stress. I'm fcking mad right now!" Di ko napigilan ang sarili ko.

Nagulat siya dahil sa inakto ko. Maski ang sarili ko ay kinaiinisan ko. Hindi ko alam kung bakit ito ang nararamdaman ko sa kanya.

"Jess.."

"Hindi ko naman pinipilit na gustuhin ako ng Ama mo, Kris! Pero bakit kailangan niya pang idamay 'tong magiging anak ko? Bakit kailangan niyang husgahan ang anak kong si Athena?! Ano pa ba ang kailangan kong gawin? Para makalimutan o kalimutan niya na ang anim na taon na 'yon!" Tuluyan na akong sumabog at hindi ko na napigil pa ang sarili ko.

Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang sakit at ang pagka pahiya.

"'Yong mga salitang binitawan niya tungkol sa akin, kaya ko 'yong tanggapin eh. Kase nasanay na ako sa pang-iinsulto niya. Pero kung pag-sasalitaan niya rin ang anak kong si Athena, hindi na ako papayag na balewalain iyon." Ika ko.

Tahimik lang siyang naka tingin sa akin. "Sabagay.. kasalanan ko rin naman diba? Kasalanan ko naman diba?! Iniwan kita!" Hindi ko alam pero nag tuloy tuloy sa pag-agos ang luha ko.

Bakit ba hindi pa nila makalimutan ang anim na taon na 'yon? At bakit ganoon na lamang akong tignan ng Ama niya. May pakiramdam rin naman ako, may damdamin din! Ayoko nalang sabihin lahat ng pang-iinsulto niya dahil ayoko ng magkaroon pa ng gulo.

Would you Love me the same? [WITL BOOK 2] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon