Without Him
Nagising ako ng maaga dahil sa alarm ko, agad ko naman 'yong ini-off. Tinignan ko si Alexander na mahimbing na natutulog dito sa crib.
Samantalang si Kris naman ay mahimbing rin na natutulog habang naka-yakap sa akin. Dahan dahan kong inalis ang braso niyang naka-yakap sa akin dahil kailangan ko pang igayak ang susuotin niya.
Ang mga gamit niya na dadalhin niya sa business trip nilang 'yon. Sosobrahan ko nalang ang mga damit niya.
Nag-suklay muna ako ng buhok ko. At tuluyan na akong bumangon at nag-punta na sa walk in closet naming mag asawa.
Hinila ko na ang malaking maleta doon at pinili na siya ng mga suit na babagay sakanya. Actually, kahit hindi ko naman siya pilian ay bagay naman sakanya lahat.
His suits, boxers and personal things ay nilagay ko na sa maleta. Mabilis ko lang naman 'yon naayos. At pagkatapos ay sinara ko na ang zipper. Hinila ko na 'yon papasok sa kwarto namin at itinabi sa tabi ng computer doon.
"Hey.." Napa lingon ako sa asawa ko na kakagising lang o nagisin? Ewan. Kinukusot kusot niya ang mga mata niya. "Uh.. I prepared your things." Sabi ko.
Nilapitan niya muna si Alexander na nasa crib bago tumungo sa akin. Binigyan niya agad ako ng halik sa aking labi.
"Diba maaga 'yong alis mo? You should prepare yourself now. I'm gonna cook our breakfast para makakain ka naman bago ka umalis." Sabi ko
Tumango nalang siya at kinuha na ang tuwalya niya bago pumasok ng banyo. Nilapitan ko naman ang anak ko na nasa crib at dahan dahan siyang binuhat.
Doon ko na lamang siya ilalapag sa may crib doon sa dining room. Bawat sulok yata ng bahay namin ay binilhan ng crib ni Kris. Ayaw niya kasing iniiwanan ang anak namin na mag-isa kahit inaalagaan ito ni Nanang. Well, ako rin gusto ko ng ganoon.
Maingat kaming bumababa papunta sa dining room. Dahan dahan ko siyang inihiga doon at tinapik tapik.
Ng makasiguro na akong mahimbing na muli ang tulog niya. Nag-simula na akong mag-luto para sa aming lahat.
Binuksan ko ang fridge namin at kumuha doon ng lulutuin.
Ihahatid lang siya ng personal driver niya sa airport. Dahil hindi naman niya pwe pweding iwan nalang doon ang sasakyan kung siya ang gagamit.
I cooked fried foods. Nag-timpla din ako ng hot choco para sakanya, dahil ayaw niya ng coffee.
Iniisip ko palang na ngayon na ang alis niya ay nalulungkot na ako. Alam ko naman na mamimiss niya kaming mag-iina niya. Pero mamimiss ko rin naman siya. Hindi ko naman pweding pigilan siya. At saka ayoko naman ng ganoon.
Sinabi naman niya na para sa amin 'yon. Kung kaya't dapat ko siyang suportahan.
Naririnig ko na ang mga yapak niyang pababa ng hagdan. Kung kaya't inayos ko na ang paghahain.
Madaling araw palang at sigurado naman akong tulog na tulog parin si Athena dahil mamaya pang tanghali ang pasok 'non.
Mas nauna pa yata kami sa mga katulong dito sa bahay na gumising.
"Matulog nalang kayo ulit kapag umalis na ako." Sabi niya ng maka-upo na sa dining chair. Sasabayan ko nalang siyang kumain.
BINABASA MO ANG
Would you Love me the same? [WITL BOOK 2] COMPLETED
FanfictionAt dahil sa pang-iiwan ni Jessica kay Kris, sa isip isip niya ba'y kinarma niya kaya ang ginawa niyang pag-iwan? Hindi ba't yon naman ang gusto ng mahal niya. Ngayon na nag-balik na ang asawa niya mula sa ibang bansa. At napaka succesful na tao. Kay...