WYLMTS [23]

681 26 1
                                    

We made it

"Dandandanan! Dandandanan!" Paulit ulit na pag-kanta ni Victor saka Nicole. Habang pumapasok sa loob nitong puting kwarto. Ngiting ngiti silang dalawa habang dala dala ang malaking puting kahon.

"Ano feeling ng ikakasal nanaman?" Natatawa nitong tanong habang nilalapag ang puting kahon sa puting higaan.

Hindi ko na lamang pinansin ang pang-iinis nila. Muli ko nalang tinignan ang sarili ko sa salamin na nasa harap ko.

Kahit ikakasal kami ulit. Mayroon parin akong kaba at excitement na nararamdaman. Higit dalawang linggo na ang lumipas simula ng maka-usap namin si Red.

Sa araw na 'yon ay hindi ko masyadong nakausap si Kris dahil sa pagiging tahimik niya 'nong araw na 'yon. Pagka-uwi nga namin ay dumiretso na agad siya sa kwarto. Naintindihan ko naman.

"Kabogera pala--" Natigil sa pag-sasalita si Victor ng bumukas ang pinto. Sabay naman kaming tatlo na sumilip kung sino 'yon

Naka titig na agad siya sa akin habang naka-ngiti ng matamis. Naka puting v-neck t-shirt siya at itim na slacks. "Ay Girl. Nakalimutan ko 'yong isa pang ano.. Lipstick." Sabi ni Victor at agad na hinila palabas si Nicole.

Sinundan na lamang sila ng tingin ng asawa ko at bahagyang natawa. Pagkatapos ay bumaling na siya sa akin na naka pamulsa habang papalapit.

Humarap ako ng pwesto sa kanya. Pagka-lapit niya sa akin agad niyang hinaplos ang pisngi ko at dinampian ako ng madiin na halik sa noo. Napa pikit na lamang ako upang damhin ang pag-mamahal niyang 'yon.

"Bakit ang ganda mo?" Ika nito sa akin at bahagyang lumuhod sa harap ko yung naka-luhod ang isang tuhod niya. Natawa ako doon at mahina siyang pinalo sa dibdib niya.

Kinuha niya ang dalawa kong kamay at dampi dampi 'yong ginagawarap ng halik. "We made it." Bahagya niya pang dinampian ng kamay niya ang mata niya.

Tumango tango agad ako at napa yuko.

Hindi ko maiwasan ang hindi maluha dahil sa kanyang sinabi. Ilang taon kaming nagka-hiwalay, ilang taon kaming pinag-hiwalay. Pero iisa lang at doon parin pala ang bagsak namin. 'Yon ay ang ikakasal kaming dalawa.

Totoo.. walang halong takot, walang halong sapilitan. Kasal, dahil mahal na mahal namin ang isa't isa. Hindi ko akalain na dadating at mangyayari pa ang araw na ito. Buong akala ko dahil sa pang-iiwan ko na 'yon sa kanya.. Hindi niya na ako babalikan.

"Yes.. we made it." Halos pumiyok ko ng sabi. Pagkatapos kong sabihin 'yon hinalikan ko agad siya sa kanyang labi. "I'm so sorry, Kris.. kung naduwag ako noon at iniwan nalang kita ng basta basta. Iniwan nalang kita ng walang paalam.. I'm really sorry." Bawat patak ng luha ko ay iyong pinupunasan niya gamit ang hinlalaking daliri niya.

"Thank you.. dahil binigyan mo kong Athena, na kamukhang kamukha at kaugaling kaugali mo." Bahagya kong kinurot ang ilong niya.

Napa ngiti siya doon at humugot ng malalim na hininga. "Ito lang ang maipapangako ko sayo, Jessica. Hindi ako maniniwala sa kahit anong sabihin ng iba. Wala akong ibang paniniwalaan kundi ikaw lang.. Walang iba." Napapaos niyang sabi.

Muli kong naramdaman ang pag-tulo ng butil ng luha sa pisngi ko. Dahil sa sinabi niyang 'yon.. pinaramdam niya muli sa akin kung gaano niya ako kamahal at kung gaano akong ka importante sa kanya.

"Alam mo? Tuwing bago tayo matulog.. habang naka-yakap ka sa akin. Pinag-mamasdan kita." Kumunot ang noo ko.

Tumikhim siya at muling hinawakan ang dalawa kong kamay. "Sa isip isip ko. Ano 'yong pinaka magandang bagay na nagawa ko, kung bakit binigyan niya ako ng isang katulad mo. 'Yong makakasama ko habang buhay.. 'yong makita ko palang yung ngiti't mata mo? My whole day is just completely happy." Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi niya.

Would you Love me the same? [WITL BOOK 2] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon