I'm Sorry
"Bye Mama!" Masayang paalam sa akin ng anak ko at sumakay na sa sasakyan ni Morgan. Kumaway na lamang ako sa kanila at bumisina si Morgan bago paandarin ang Fortuner niya.
Pumasok na ako sa loob para kuhanin na ang bag ko para makapasok narin sa trabaho ko. Habang sinasara ko ang pinto, Tumunog bigla ang cellphone ko at tinignan ko naman kung sino ang tumatawag.
Kumunot ang noo ko dahil unregistered number. Nag-dadalawang isip pa ako kung sasagutin ko o hindi. Baka kasi napindot lang o nanloloko langna tao ang tumatawag sa akin.
Hindi ko muna pinansin ang tumatawag. Muli kong nilagay sa bag ko ang cellphone ko. Saka ko ipinag patuloy ang pag-sara nitong pinto.
Nilagay ko na sa susi ang bag ko at muli nanaman tumatawag ang number kanina. Sino kaya 'yon?
Humugot ako ng malalim na hininga bago ko sagutin 'yon.
Pormal na boses ang sumalubong sa akin. "Yes, I'm Jessica." Sabi ko pa.
Muling nag-salita ang kabilang linya. At natameme nalang ako sa nalaman ko, para kong nalunok ang sarili kong dila at hindi ko na magawang sumagot sa kausap ko sa cellphone.
Di ko alam kung babalakin ko pa bang pumasok sa kumpanya, o manatili nalang dito sa bahay para hindi ko lang mapirmahan ang isang pirasong papel na 'yon.
Hindi ko alam kung paano akong napunta sa kumpanya. Dahan dahan kong tinulak ang pinto ng opisina niya. At nakita ko naman na tipon tipon silang lahat doon.
Tumingin ako kay Ate Kristel na malungkot na ngumiti sa akin. Tipid ko nalang siyang nginitian, Ganoon rin ang Ina niya. Bahagyang ngumiti sa akin at nag-iwas rin agad.
Kanya kanya silang pwesto. Pero siya? Andoon siya. Naka talikod at naka pamulsa habang pinag-mamasdan ang buong kapaligiran dahil tanaw na tanaw 'yon dito mula sa opisina niya.
"Good Morning Ms. Jessica." Bati sa akin ng dalawang abogado.
Hindi ko nagawang batiin sila. Barang bara akong lalamunan ko at kapag siguro'y nag-salita ako. Bubuhos ang mga luha ko.
"Where is it? Sign it!" Napa igtad ako ng bumulyaw ang Ama niya. "Dad!" Salita ni Ate Kristel.
Alam kong ayaw niyang mangyari ito. Siya pa nga ang nag-sabi sa akin na ito ang gustong mangyari ng Ama nila. Pero wala, Wala akong magawa. Ano ba ang pwedi kong gawin? Hindi ko alam kung gusto niyang pirmahan ko ang annulment papers.
Dahil nitong mga nakakaraang araw. Ang dalas niya sa amin dahil kay Athena. Ano ba talaga? Hindi pa ba kami okay?
"Shut up, Kristel!" Bulyaw ni Mr. Wu sa panganay niyang Anak.
Nararamdam ko ang tensyon sa loob ng opisina. Hindi ko alam kung sino ang papanig sa akin at hindi ko alam kung sino ang papanig sa Ama nila.
Tadhana pati mga magulang niya pinag-hihiwalay na kami. Nakakatawang isipin, Dapat ko na bang tanggapin na hanggang dito nalang talaga kami?
Oo, alam kong ako ang pulot dulo ng lahat. Pero hindi ko na maibabalik ang nakaraan.
Muli ko siyang tinitigan. Wala 'man lang ba siyang gagawin? "Tito, baka ayaw niya pa." Nagbabait baitan na sabi ni Cherry.
Tinignan ko siya na ngayo'y parang inaalo alo niya ang ama ni Kris. That Bitch!
"Stop pretending Cherry. You're such a bitch." Tuloy tuloy na bigkas ni Ate Kristel.
At dahil doon napa tayo ang Ina nila. "Kristel! Your words!" Sabi nito.
Tumayo rin si Ate Kristel at pumagitna sa amin. "What? I'm just stating the truth! Bakit? Kilala niyo na ba ang babaeng 'yan? Talaga?! At ipapakasal niyo sa kapatid ko?!" Lahat kami ay baka tingin sa kanya maliban kay Kris na ganoon parin ang posisyon.
BINABASA MO ANG
Would you Love me the same? [WITL BOOK 2] COMPLETED
FanfictionAt dahil sa pang-iiwan ni Jessica kay Kris, sa isip isip niya ba'y kinarma niya kaya ang ginawa niyang pag-iwan? Hindi ba't yon naman ang gusto ng mahal niya. Ngayon na nag-balik na ang asawa niya mula sa ibang bansa. At napaka succesful na tao. Kay...