WYLMTS [31]

380 19 2
                                    


"Welcome, Home. Athena!" Sabay sabay nilang bati sa aming anak pagka-pasok pa lang namin ng bahay.

Tipid na lamang itong ngumiti at sumiksik sa kanyang ama na kaagad naman siyang binuhat.

Nandidito lahat ng aming mga kaibigan including my family and Ate Kristel.

Masaya narin ako na kahit papano ay mayroong kamag anak si Kris dito. Dahil kase noong nasa Hospital kami ay hindi dumadalaw ang ama at ina ni Kris kay Athena. Pero.. wala naman akong magagawa kung ganoon ang trato nila sa aming mag-ina.

Sumenyas si Ate Kristel na ipasok na ang mga gamit namin. Dala dala 'yon ng mga maids na kasa-kasama namin noong nasa Hospital kami.

Hindi nag-tagal ay dumulog rin kaming lahat sa Dining Room upang doon na mag-hapunan. Mahaba naman ang dining table kung kaya't kasya kaming lahat.

Pirmis parin na buhat buhat ni Kris si Athena dahil ayaw nitong sumama kahit kanino.

Sinabi ko naman kay Kris na kumain muna siya pero ayaw niya. Ang gusto niya ay ang gusto ng anak niya. Hayaan daw muna namin at nag-lalambing siguro.

"Athena, you want to eat dinner na?" Tanong ko dito ng tumayo ako. Buhat buhat lang siya ni Kris at siya naman ay naka yakap lamang.

Umiling ito sa akin. "Daddy.." mahinang sabi nito at inayos ni Kris ang pagkaka buhat sa kanya. "Hindi ka pa nagugutom?" Tanong kong muli.

Umiling ito. Ngumiti na lamang ako sa kanya at hindi na muli pang tinanong.

Bumaling naman ako kay Kris na naka ngiti pala sa akin. Kumunot ang noo ko dahil doon. "Ikaw? Di ka pa kakain." Tanong niya.

"Sabay na tayo?" Tanong ko. Natawa ito ng mahina at muling inayos ang pag-buhat niya kay Athena.

"Magugutom 'yong baby natin." Aniya at ngumuso sa aking tiyan.

Tama. Wala naman narin akong ibang nagawa pa kundi ang kumain nalang. Siya naman ay nag-paalam na papanik na muna sila ni Athena.

Nakikinig lang ako sa kanilang mga kwentuhan. "Maiba nga, paano nga palang nag propose sayo si Eunhyuk, Hyo? Eh halos. Ipagtabuyan mo na siya noon. Ah?" Aniya ni Yuri habang hinihiwa ang kanyang steak.

Natawa doon si Eunhyuk at agad naman siyang hinampas ni Hyo sa balikat. "Di niya talaga kase ko kayang mawala sa buhay niya." Si Eunhyuk ang sumagot at sumimsim ng red wine sa kupita niya.

Natawa ako dahil doon. Sa aming kwentuhan ngayon ay umiikot lang sa bawat isa. Ngayon naman ay ang akin.

Mabuti nalang ay tapos ng kumain ang kapatid ko, boyfriend niya at si Daddy. Dahil sumunod sila sa taas upang makasama ang anak ko.

"Naisip ko ngayon, Jess. What if kung.. mag abroad nalang kayo nila Kris? Para hindi na kayo magulo pa ni Red." Sabi ni Ate Kristel.

Napa tingin naman sa kanya ang lahat. "Abroad? You mean.. Aalis silang pamilya dito?" Tanong ni Yoona.

"Yes." May kasamang pag tango ni Ate Kristel.

Naisip ko na 'yon noon pa at suhestyon narin 'yon ni Kris. Pero paano naman ang anak ko? Oo, alam kong para sa kanya ito pero paano naman 'yon?

Nandito ang mga kaibigan niya. Nandito ang tita niya at lolo niya. Ayoko naman na mahirap ang anak ko sa pag-aadjust doon.

Bakit kasi kailangan pang idamay ni Red ang anak ko. Bakit kasi hindi niya nalang tanggapin 'yong mga bagay na hindi mapapa sakanya.

"Naisip ko na 'yan dati, Ate. Pero-"

"Ayaw ni Kris." Aniya ni Ate Kristel.

Agad naman akong umiling. "No, gusto niya. Pero ayoko naman mahirapan ang anak ko sa pag-aadjust doon. Nandito kase 'yong mga kalaro at kaibigan niya." Sagot ko.

Would you Love me the same? [WITL BOOK 2] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon