Her Tears
"Ay friendship, Magbi-bikini talaga ako mamaya nito." Ika ni Victor habang inaayos ang mga gamit niya sa puting cabinet dito sa Hotel. Tumawa nalang ako sa ideya niyang 'yon.
Tanghali na kasi kaming naka dating dito sa Palawan. Kung kaya't hapon na kaming makakapag tanghalian or i should consider na hapunan na 'yon dahil sa katagalan mag-ayos ng gamit ni Victor.
Hindi ko nga akalain na bakla pala siya eh. Noong una ko kasing punta sa Yi's Company akala ko napaka sigang lalaki. Tapos bakla naman pala. "Paayos narin ng akin. Sige na." Paglalambing ko dito.
Tumingin ito sa akin ng masama. "Please.." Sabi ko at ngumuso. "Oo na! Sige na at mag palit ka na ng damit." Utos nito sa akin. Nagpa salamat naman ako sa kanya agad at tumayo na para pumasok sa banyo. Bago ako pumasok kumuha muna ako ng isusuot ko.
Casual summer dress nalang ang sinuot ko saka ako lumabas. Pagka labas ko naman naka bihis narin si Victor na nagulat sa akin. "Tngn Dyosa!" Sabi nito at lumapit sa akin.
Tumawa nalang ako sa kanya. Inakbayan ko naman siya at lumabas na kami ng dalawa ng kwarto namin.
Binabati kami ng mga kapwa empleyado namin habang nag-lalakad. Lumabas na kami ng Hotel dahil tumawag na kay Victor ang isa sa katrabaho namin na kakain na.
Nakarating kami sa isang seafood restaurant dito. Yung iba ay papadating palang samantalang kami ni Victor ay umupo na.
Di ko namalayan na kaharap ko ang pamilya niya. At si Kris tapos ang kaninang babae na naka kapit sa braso niya.
Nag-tama ang mga tingin naming na dalawa. Ngingitian ko na dapat siya pero agad naman niya 'yong iniwas. Bagay na merong tumusok sa dibdib ko.
"Hi. Hija!" Nagulat ako ng batiin ako ng Mommy niya. Lumingon agad sa akin lahat ng kasalo namin.
Palihim akong lumunok. "H-hello po." Nahihiyang bati ko dito. Dahan dahan akong napa lingon sa asawa niya na naka tingin pala sa akin.
Iniwas ko agad ang tingin ko dito. Sa pangyayaring ito. Muli kong naalala ang nakaraan. Muling naalala? Palagi ko namang naaalala yon eh. Kung minsan pa nga napapaginipan ko pa.
Ang mukhang 'yon ang naging dahilan ng lahat. Maayos na kaya sila ng anak niyang si Kris?
"Long time no see. Jessica Jung." Bati nito sa akin na tipid na lamang akong ngumiti sa kanya.
Alam kong naguguluhan na ang mga kasalo namin dahil kilala ako ng magulang ni Kris.
Pakiramdam ko nga lahat ng atensyon ay nasa akin na.
Dahan dahan akong tumingin kay Kris. Pero hindi ko inaasahan ang nakita ko. Kausap niya lang yung babaeng naka kapit sa braso niya kanina.
Ano bang meron sila?
Hindi ko alam pero parang sinasaksak ang dibdib ko. Sa tuwing nadadako ang mga titig ko sa kanila habang kumakain kami.
"Sarap ng cucumber shake!" Komento ni Victor habang sinisipsip ang kanyang straw. Habang ako naman ay naka tingin lang sa cucumber shake na nasa harapan ko na hindi ko makakayang inumin.
Lahat ng shake ay ganoon. Kaya ako ay puro tubig lang ang iniinom. Nakaka inggit lang. Pinaka ayoko kasi sa lahat ay ang Cucumber.
"Excuse me." Nag taas ng kamay si Kris kaya napa tingin ako doon. Lumapit naman agad sa kanya ang waiter. "Yes Sir? Anything po?" Tanong nito.
"One Lemon Shake." Sagot nito. Kumunot naman ang noo ng katabi niyang babae.
"Only one Sir?" Tanong muli ng waiter. Tahimik lang na tumango si Kris.
BINABASA MO ANG
Would you Love me the same? [WITL BOOK 2] COMPLETED
FanfikceAt dahil sa pang-iiwan ni Jessica kay Kris, sa isip isip niya ba'y kinarma niya kaya ang ginawa niyang pag-iwan? Hindi ba't yon naman ang gusto ng mahal niya. Ngayon na nag-balik na ang asawa niya mula sa ibang bansa. At napaka succesful na tao. Kay...