WYLMTS [13]

911 37 15
                                    

Remember me

Ngumiti ako kay Victor pagkatapos kong mag banyo dahil hinintay niya ako sa labas. Umukyabit kaagad ito sa akin at saka na kami nag-lakad patungo pabalik ng building.

Umalis kasi kami doon para kumain ng lunch sa Karindirya malapit sa buiding. At ito na nga patawid na kaming dalawa.

Naka tawid naman rin agad kami at mag-lalakad nalang kami saglit para tuluyan ng makapasok sa Building. "Hayup talaga yung Boss natin na 'yon eh. Sayang bet ko pa naman siya." Ika niya sa akin habang papanik na kami sa hagdan para makapasok na sa Entrance dito.

Kaagad ko siyang pinalo sa braso niya dahil baka mayroong maka rinig sa sinabi niya. "Ano ka ba naman, baka mayroong makarinig sayo." Sita ko sa kanya.

Umirap nalang ito ng makapasok na kami.

Dalawang araw na ang lumipas sila ng mangyari 'yon. Kung gaano siyang kailap sa akin noon, mas lalo siyang naging ilap sa akin. Kung hindi pa ako ang unang mag-sasalita ay hindi niya ako kakausapin. Kung tipid siyang sumagot noon sa akin mas tipid siya. Gaano ba kamahal ang pag-sagot sa mga tanong ko?

Sa tuwing naaalala ko ang nangyaring 'yon parang pinipiga ang puso ko sa sakit. Buong akala ko ay sasabihin niya sa akin na gusto niyang makita ang anak naming si Athena. Pero hindi e.

Baka hanggang ngayon siguro ay hindi na talaga siya naniwala. Pero bakit hanggang ngayon..

Umaasa parin ako na babalikan niya ako. Dahil nandito lang naman ako na nag-hihintay sa kanya.

"Kita nalang tayo mamaya Friendship sabay nadin tayong umuwi. Bye!" Natauhan nalang ako ng bineso ako ni Victor sa pisngi ko at pumunta sa Trabaho niya.

Humugot na lamang ako ng malalim na hininga saka pumasok sa maluwang niyang opisina. Bahagya pa akong nagulat dahil mayroon pala siyang kasama sa loob at hindi ko inaasahan 'yon na si Cherry pala.

Tumingin sa akin si Cherry pero samantalang siya hindi ako tinapunan ng tingin.

Naisipan ko nalang umupo sa upuan ko dito. Pero hindi pa 'man din ako nakakalapit sa mesa ko natigilan ako ng mag-salita si Cherry.

"How's life bitch?" Ika nito.

Tumingin ako sa kanya saglit pero iniwas ko narin agad 'yon. Hindi nalang ako makikipag talo sa kanya. Tatahimik nalang ako dito at gagawin ko nalang ang trabaho ko. "Tinatanong kita diba?! Bingi ka ba?!" Muling tanong nito pero hindi ko siya pinansin o tinapunan 'man lang ng tingin.

"Cherry. Please." Narinig kong madiin na sabi niya. Pero samantalang si Cherry ay ayaw magpa awat sa kanya.

Dahil nararamdaman kong papalapit siya sa gawi ko. Bukas kasi ang pinto ng opisina niya kaya naririnig ko ang bawat salita ni Cherry at salita ni Kris.

Hindi ko naman alam kung ano ang pinag-aawayan nila dahil yung kapapasok ko palang mukhang nag-sasagutan na sila.

"Ano ba? Wala ka bang dila? Kinakamusta kita diba." Sabi niya at hahablutin na dapat ako sa braso pero biglang bukas ang pinto kaya't sabay kaming napa angat ng tingin doon.

Nanlaki ang mga mata ko at napa nganga ako sa gulat.

Masayang masaya siyang papunta sa akin habang sukbit sukbit ang bag niya. "Mama! Hello!" Masiglang bati niya at tumakbo papunta sa akin kaya't napa tayo ako habang gulat na gulat padin.

"Kumain ka na po ng Lunch? Kuya Taemin and I bought your favorite food." Ika niya.

Hindi parin ako makapag salita. Gulat na gulat parin ako sa pangyayari, Paano? Bakit?

Would you Love me the same? [WITL BOOK 2] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon