WYLMTS [10]

855 42 9
                                    

Still

Higit dalawang linggo na ang lumipas ng maka-uwi na kami dito sa Manila, mula sa Palawan.

Sa lugar na 'yon, Merong nangyaring pangit, merong nangyaring mga magaganda naman.. Hanggang ngayon nga. Parang nasa labi ko parin ang labi niya noong hinalikan ko siya.

Hindi ko pinag-sisihan ang ginawa kong 'yon. Bakit? Meron naman akong karapatan na halikan siya ah, Sa papel nga lang. Pero kapag sa kanya na? Hindi.

"Are you with me?" Napa igtad akong lumingon sa kanya. "Sir?" Bahagya akong lumunok.

Umirap siya at walang ganang tumayo mula sa upuan niya. Inaayos niya ang necktie niya habang papunta siya sa gawing bintana ng opisina niya. Tanaw na tanaw dito ang buong kapaligiran.

"Si Mr. Torres, How about him?" Tanong niya habang naka talikod sa akin.

Unti unting umiinit ang pisngi ko at kumakabog ang dibdib ko. Hindi ko alam pero.. Oo, kinikilig ako sa kanya. Sino ba naman kasi hindi mapapa lingon sa kanya?

Pogi na, Matalino pa. Matangkad. Lahat siguro nasa kanya na eh. Kaso.. sinayang ko lang.

"Jess--"

"Bro-- Jessica?"

Sabay kaming napa lingon ng makilala ko ang boses ni Kai. Gulat itong napa tigil sa pag pasok at palipat lipat ang tingin sa aming dalawa.

Kumunot ang noo ni Kai habang palipat lipat ang tingin sa amin. Di ko alam ang sasabihin ko o ipapaliwanag kung kaya't yumuko nalang ako.

"E.. excuse me po--"

"Stay." Pigil ni Kris. Kung kaya't napa hinto ako sa pagpa planong umalis upang iwanan silang dalawa.

Tumawa ng bahagya si Kai, habang papalapit sa gawi namin. "Wait.." Lumingon ito sa akin. "Are you working on him?" Di maka-paniwalang tanong nito.

Di ko magawang mag-salita kung kaya't. Dahan dahan, nalang akong tumango sa tanong niya. Hindi naman siya nag-salita, isang malalakas na hagalpak ang pinakawalan niya.

"What the fck. Seriously?!" Tawang tawa nitong tanong na mukhang hindi talaga siya maka-paniwala.

Lumingon ako kay Kris na naka tingin kay Kai. Kumunot ang noo ko ng makita ko itong pangisi ngisi habang pinag-mamasdan si Kai na tawa na ng tawa. Nagulat ako ng bumaling ang tingin niya sa akin. Nawala agad ang ngisi sa mukha niya at napalitan nanaman 'yon ng malamig niyang aura.

"What?" Malamig na tanong nito. Umiling agad ako at nag-iwas ng tingin.

"Hey, Asshole. What brought you here?" Baling niya kay Kai.

Tumigil naman ito sa pag tawa at inayos ang sarili niya. "We're fcked up." Sumeryoso ang mukha niya matapos niyang sagutin ang tanong ni Kris. Gusto kong hindi makinig sa pag-uusapan nila, pero paano naman? Ayaw akong palabasin. "We're over." Dagdag niya pa.

Si Yuri ba ang tinutukoy niya? Sa pagkakaalam ko parang wala namang namagitan sa kanilang dalawa. "Mag-babalikan din kayo 'non." Ika ni Kris at lumakad papunta sa itim na table na malapit sa pinto ng banyo dito sa opisina niya.

"Bro, fck. Paulit ulit nalang! Same reason." Giit ni Kai. "Let's Go?" Biglang aya ni Kris.

Dahil sa sinabi niyang 'yon, tumalikod ako papunta sa lamesa niya. Upang ayusin ang mga gamit niya doon. Niligpit ko ang dalawang laptop niya at mga folders na hindi pa napipirmahan.

"Wait. Sama natin siya." Pigil ni Kai kay Kris kung kaya't napa tigil ako sa ginagawa ko. Lumingon naman agad si Kris na napa hinto sa pag-lalakad. "Ang baduy naman, Bro. Kapag tayong dalawa lang. Siyempre kailangan ng chikas." Natatawang sabi ni Kai habang naka pamulsang papalapit sa gawi ko.

Would you Love me the same? [WITL BOOK 2] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon