WYLMTS [37]

271 11 0
                                    

Not safe

Pangalawang araw kong gumising na hindi ko siya katabi, ang palaging katabi ko ay ang dalawa naming anak. Si Alexander at si Athena.

Si Athena ay palagi niyang kausap sa skype si Kris at nakiki-sali na lamang ako doon. Halatang abalang abala siya sa trabaho niya doon ngunit gumagawa siya ng paraan para makausap o makita kaming mag-iina niya. 

Bumangon na ako at nag-suklay ng buhok ko. Habang nag-susuklay ako ay tumunog bigla ang aking cellphone.

Tinignan ko agad kung sino 'yon at number niya agad ang rumerehistro. Agad ko 'yon sinagot.

"Hello, Daddy!" Sabik kong bungad sa kanya. "Hi baby.." Mukhang kagigising niya palang dahil sa kanyang boses.

"Kakagising mo lang?" Tanong ko habang sinesenyasan si Nanang na bantayan muna ang mga bata. Tumango naman agad siya.

Lumabas ako ng kwarto habang kausap ang asawa ko sa aking cellphone.

"Uh.. Yes. Kamusta ka? Kamusta 'yong mga bata?" Tanong niya habang pababa ako. "Well.. ayos lang kami. Ikaw ba? Kumain ka na ba?" Tanong ko naman habang tinutungo ko ang daan papunta sa kusina.

"Every morning. Meron nagse-serve dito. Don't worry. Lalaki siya." Sabi niya at natawa at mukhang nag-aayos na ng laptop niya dahil naririnig ko doon.

"Duh! Buti naman." Sabi ko. Narinig ko ang pag-hagikgik niya sa kabilang linya.

Nag-usap lang kami tungkol sa mga bata at sa mga gagawin niya doon, kung sino ang makakasama niya. Hindi ko naman siya tinatanong pero natutuwa lang talaga ako kapag sinasabi niya kung babae o lalaki.

"Sige na, I'll hang up na. Igagayak ko pa si Athena." Sabi ko. "Okay.. I'll prepare myself too. I love you." Sabi niya.

Ngumit ako. "I love you, too." Sagot ko at binaba na. Ibinulsa ko nalang ang cellphone ko at lumapit na sa refrigerator at binuksan ko 'yon upang mag-gayak na ng agahan.

Ang lulutuin ko ngayon ay ang paborito ng mag-ama. Ang adobong baboy at manok. Sayang.. wala dito si Kris dahil tiyak kong marami 'yong makakain kapag ganito ang ulam namin, ganoon rin si Athena.

Hindi ko sinanay si Athena na palagi siyang mayroong taga-gising. Masasanay kasi, pinag-babawalan ko rin si Kris dahil 'yon lagi ang ginagawa niya. Sinabi ko sakanyang ayokong lumaking spoiled ang anak namin. Pero ewan ko ba, payag naman siya pero ini spoiled niya parin ang anak namin.

"Ma'am, Kailangan niyo po ng tulong?" Tanong ng isang katulong dito. Ngumiti ako at umiling na lamang.

Tumango na lamang ito sa akin at nag-simula na siyang maghain. At pagkatapos niyang gawin 'yon ay nag-paalam na siyang mag-lilinis nitong bahay.

Habang hinihintay kong maluto ang Adobo. Dinukot ko ang cellphone ko sa aking bulsa at nag-bukas ako ng facebook account ko.

Mayroong message kaagad ang asawa ko at si Nicole. 'Yong mga iba ay dati lang namin na kaklase sa LSM University. Mayroong mga friend requests na hindi ko naman kilala kung kaya't hindi ko na lamang pinansin pa.

Kasalukyang nasa news feed ako at ang daming post tungkol sa business trip nga na sinasabi ng asawa ko.

Nakita ko agad siya roon sa pictures. Kung kaya't agad kong ini-open 'yon. Iba't ibang mukha ang aking nakikita. Nandodoon ang pamilya ni Morgan at ni Micah. Pati narin ang magulang ng asawa ko ay nandodoon rin.

Mayroong mga arabo, intsik ang nakikita kong kinakamayan ng aking asawa. Naka-tag lamang sakanya 'yon. Katabi niya ang mga kaibigan na sina Luhan at Tao.

Would you Love me the same? [WITL BOOK 2] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon