Simple but Beautiful
Iminulat ko ang mga mata ko dahil sa mayroong naka-dagan sa beywang ko. Sa pag-mulat ko ng dalawa kong mata.
Ang payapa niyang mukha ang sumalubong sa akin. Ang makapal ngunit ayos niyang kilay, ang matangos niyang ilong. Ang mapula niyang labi.
Mahimbing siyang natutulog habang naka-yakap sa akin. At ako naman ay naka unan sa kaliwa niyang braso.
Dumusog ako lalo sa kanya at niyakap siya. Mas humigpit ang yakap niya. That's why I can listen to his heart beat.
Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ko ang init ng katawan niya. Ang bango niya lahat, dinadama ko.
Iniisip ko parin ang naging pag-uusap namin kagabi at ang mga nangyari kagabi. Kahit pala bagong taon na, humahabol parin ang nakaraan.
Kahit hindi niya aminin o sabihin ngayon, alam kong nasaktan ko siya ng sobra dahil sa sinabi kong 'yon kagabi. Oo nga tama nga naman. Nandito na kaming dalawa eh,
Malapit na kami. Ngayon pa ba ako susuko? Kung mayroong Athena na kami? Diba dapat hindi na.
Naramdaman ko na ang pag gising niya pero hindi ko parin dinidilat ang mga mata ko. Dama ko ang pag-inat niya.
Nag-sisi akong sinabi ko 'yon sa kanya. Habang naka pikit ako nararamdaman ko ang palad niyang hinahaplos ang pisngi ko, habang ginagawa niya 'yon. Bumibilis ang tibok ng puso ko.
At ang labi niya na dumampi sa noo ko.
Kahit hindi niya sabihin.. damang dama ko ang pag-mamahal niya sa akin.
Iminulat ko na ang mga mata ko at ang mga mata niya agad ang sumalubong sa akin. Naka awang ng kaunti ang labi niya kung kaya't sinara ko 'yon gamit ang labi ko.
"Why?" Tanong niya pagka-layo ko. Ngumiti ako sa kanya at umiling iling.
"Ano nga?" Para pa siyang umaarte na umiirap irap. Seriously? Si Kris? Gumaganito.
Natatawa ko siyang mahinang pinisil sa ilong. "Wala nga, Ang gwapo gwapo mo kasi." Naka ngiti kong sabi.
Tinaasan ako nito ng kilay. Ewan.. ang saya lang na nakikita ko siyang ganito, na hindi siya nahihiya sa akin na ipakita ang ganitong side niya.
Tumikhim siya at itinukod ang kaliwang siko niya habang sapo sapo ng kaliwang kamay niya ang ulo niya. "Tell me.. iniisip mo yung sinabi mo sa akin kagabi right?" Mahinahon niyang tanong.
Di agad ako naka-sagot ng sabihin niya 'yon, paano niyang nalaman? Nararamdaman niya kaya?
Tumikhim siya. "Wag mong isipin 'yon alam ko namang natakot ka lang kung kaya't nasabi mo 'yo . I understand that Hon.." Ngumiti siya pagka-sabi niya.
Huminga ako ng malalim at yumakap sa kanya.
Ang dami na ngang nag-bago sa kanya. Kung dati'y makitid ang utak na si Kris ngayon naman ay maintindihin na. Ang buong akala ko'y hindi niya ako kakausapin mag-hapon dahil sa sinabi kong 'yon kagabi.
"Kainis ka! Bat ang bait mo?!" Narinig ko ang pag halakhak niya ng inis kong sabihin 'yon.
Tinugon niya ang yakap ko. "It's Nine Thirty in the Morning, And I'm really hungry." Sabay kaming nagulat ng mag-salita si Athena.
Umupo agad ako at nakita ko siyang naka-nguso habang naka-halupkipkip.
Natawa doon ang Ama niya at nilapitan naman agad siya. "Sungit naman.." Malambing na sabi ni Kris habang binubuhat si Athena.

BINABASA MO ANG
Would you Love me the same? [WITL BOOK 2] COMPLETED
Fiksi PenggemarAt dahil sa pang-iiwan ni Jessica kay Kris, sa isip isip niya ba'y kinarma niya kaya ang ginawa niyang pag-iwan? Hindi ba't yon naman ang gusto ng mahal niya. Ngayon na nag-balik na ang asawa niya mula sa ibang bansa. At napaka succesful na tao. Kay...