A Bestfriend's Slap.
"Mama, Are you okay?" Tumingin ako sa kanya na nakaabang sa akin sa pinto dahil siya ang nag-bukas para sa akin.
Dahan dahan akong umupo upang maging pantay kami. Ngumuso ito habang hinahantay ang sagot ko sa tanong niya. Tinignan ko ang kabuuan niya, dahan dahan kong hinawakan ang dalawang kamay niya at tinignan siya sa mga mata niya.
"Mama.." Muli niyang tawag sa akin. Ngumiti ako sa kanya kasabay 'non ang sunod sunod na pag-tulo ng luha ko. "Mama.. Bakit po?" Tanong niya. Hinila ko nalang siya.
Upang yakapin siya ng mahigpit. Mas lalong humigpit ang yakap ko ng tumugon siya. Napa pikit ako ng mariin habang tahimik na umiiyak at hinahayaan ko lang ang pag-tulo ng luha ko.
"I'm sorry, Anak. Kasalanan ko naman lahat eh. Kasalanan ko." Sabi ko.
Sorry dahil sa akin hindi mo nakakasama ang Daddy mo, Sorry dahil sa akin kung kaya't wala siya sa piling natin. Sorry dahil sa akin malabong mabuo ang gusto nating masaya at kumpletong pamilya.
Sorry Anak. Sorry Athena. "Mama, bakit po ba? Pinag-aaalala niyo na po ako. Should I call Ninang na? Or Daddy M and Mommy M?" Muling tanong nito sa akin. Hindi ako naka-kibo mas lalo lang akong naiyak. "Or.. Lolo and Tita?" Dagdag pa nito.
Umiling ako habang tumutulo parin ang luha sa pisngi ko habang yakap yakap ko siya. "Athena, yung Ma-- Hey. What's wrong?" Natigilan si Nicole dahil sa nadatnan niyang ganito ako.
Tinignan ko lang siya at ngumiti ng pilit saka ko muling niyakap ang anak ko. "Jess. Fck. Anong ginawa niya sayo?!" Dahil sa sigaw niya nagulat ang anak ko kung kaya't humarap ito kay Nicole.
"Who?" Tanong ng anak ko. Tumayo naman ako. At hinawakan ko si Athena sa balikat. Nag-punas naman ako ng luha. "Wala 'yon, Athena. Bakit di ka pa natutulog? Gabi na ah." Sabi ko dito habang nilalaro laro ang buhok niya.
"Jessica Jung! I'm serious, Anong ginawa niya sayo?!" Muling sigaw ni Nicole. Nilingon ko naman agad siya.
Ano ba? Wag naman sa harap ng bata. "Mama? Ninang? Nag-aaway po ba kayo?" Singit ni Athena. Umiling naman agad ako at sinabi ko sa kanyang pumasok muna siya sa kwarto. Mabuti naman, at hindi siya nag-tanong ng nag-tanong sumunod nalang ito sa akin.
Pagkapasok naman niya ay napa upo na lamang ako sa sofa dito at napa takip ng dalawa kong kamay sa mukha ko. "Jess.. What? Tell me. Ano nanaman ang sinabi niya sayo." Naramdaman ko ang pag-tabi sa akin ng kaibigan ko at ang pag-haplos niya sa likod ko.
Isang hikbi ang napakawalan ko at sunod sunod na ang pag-hagulgol ko. Kahit anong iyak yata ang gawin ko ngayon. Parang hindi maalis ang sakit. Yung pinaramdam at mga pinag-sasabi niya sa akin ay parang triple sa damdamin ko 'yon. Fck. All i want is a Happy Family. Pero bakit ganito?
"Sinabi ko na sa kanya ang totoo.." Sabi ko habang naka takip parin ang dalawa kong kamay sa mukha ko. "Totoong? Alin-- Anak niya si Athena?!" Gulat nitong tanong. Tumango agad ako at mas lalo akong napa iyak.
"Then what? Hindi siya naniwala?" Ika niya.
Dahan dahan akong tumango at mas lalo akong napa iyak. Dinig na dinig at malinaw na malinaw sa tenga ko ang napaka lutong niyang mura para kay Kris. "Asaan siya?! Gusto ko siyang kausapin. Fck. For Six years ganoon ang tingin niya sayo? Bakit ano akala niya?!" Gigil na gigil siya.
"Hindi niya ba alam na maraming nangyari sa buhay mo sa loob na anim na taon na 'yon? How about him?! Pumunta ng ibang bansa kasama yung Sandy na 'yon?! The hell!" Tuloy tuloy niyang sabi.
Wala na akong masabi upang pigilan ang galit niya. Dahil hinang hina na ako. Sa anak ko nalang na si Athena kumukuha ako ng lakas ng loob para kayanin ko lahat ng ginagawa niya at sinasabi niya tungkol sa akin. "Nicole.." Tawag ko sa kanya at galit siyang lumingon pero nawala 'yon ng makita niya akong umiiyak.

BINABASA MO ANG
Would you Love me the same? [WITL BOOK 2] COMPLETED
FanfictionAt dahil sa pang-iiwan ni Jessica kay Kris, sa isip isip niya ba'y kinarma niya kaya ang ginawa niyang pag-iwan? Hindi ba't yon naman ang gusto ng mahal niya. Ngayon na nag-balik na ang asawa niya mula sa ibang bansa. At napaka succesful na tao. Kay...