Last Chapter
Pinaki-ramdaman ko ang paligid ko. Isang malambot ang aking hinihigaan. Patay na ba ako?
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at batid kong mayroon akong oxygen at iba't ibang aparato na naka-kabit sa akin.
Luminga linga ako sa paligid ko at nakita ko siyang naka hospital gown at mayroong green hairnet sakanyang ulo habang natutulog sa tabi ko at hawak hawak ang kamay ko.
Tinignan ko ang paligid ko at mayroong cardiac monitor sa aking tabi.
Dahan dahan kong inalis ang kamay ko sakanya. Unti unti siyang gumalaw at nagulat ng makita na akong gising.
"Jess, Baby!" Sigaw niya at sunod sunod na tumulo ang mga luha sakanyang pisngi. "I'll call the doctor." Sabi niya at suminghot at dali dali ng lumabas.
Pag-balik niya ay mayroon na siyang kasamang doctor at mga nurse. Napa iyak ako ng makita ko si Athena na kasama ang kapatid ko, si Daddy at si Nicole na buhat buhat si Xander.
Maka-ilang oras ang pag check sa akin ng Doctor. Nilipat na ako sa isang VIP Room dito sa Hospital. Hindi ko magawang makapag-salita, hindi parin ako makapaniwala sa nangyaring 'to.
Buhay ako, buhay ang mga anak ko.
"Anak.. akala namin hindi ka na magigising." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabing 'yon ni Daddy.
"You're in comma." Sabi niya at hinalikan ang kanang kamay ko. "How long?" Hindi ko makapaniwalang tanong. "Three months." Napa iyak siya ng sagutin niya ang tanong ko.
Ipinaliwanag niya sa akin kung bakit naging ganoon ang naging kalagayan ko. Maraming pumasok sa aking tubig. Kung saan saan daw 'yon napunta at naapektuhan daw doon ang aking utak. Kung kaya't na comma ako ng tatlong buwan.
Buong akala ko ay kahapon lang ang lahat ng pangyayari at ngayon lang ako nagising. Hindi ako makapaniwala na tatlong buwan pala akong comma.
"Really? Daddy?" Tanong ko kay Daddy. Patuloy parin siya sa pag-iyak habang tumatango tango.
Sa ngayong nakikita ko siyang ganito. Hindi ko alam kung ano nalang ang naging reaksyon niya 'non, pero alam kong sobra siyang nag-alala para sa akin. At lalong lalo na sa mga apo niya.
"I'm so worried to you, Jessica." Sabi niya habang hawak hawak ang kamay ko. Tipid na lamang akong ngumiti sakanya.
Sinasabi lang sa akin ni Daddy lahat ng pangyayari sa loob ng tatlong buwan na 'yon. Hindi ako makapaniwala na nasa kulungan na ang tatlo
"Daddy.. ano po ba ang mayroon sainyo 'non ni Cheska?" Tanong ko.
Humugot siya ng malalim na hinga at tumikhim. "Nothing.. Hindi niya lang talaga matanggap na ang Mommy mo ang gustong gusto ko. She's so obsessed at me. Wala naman akong ginawa para maging ganoon siya sa akin." Sagot niya habang hinahaplos ang aking buhok.
"Pero hindi niyo po ba siya nagustuhan?" Tanong ko.
Mabilis siyang umiling. "Ang Mommy niyo lang ang pinaka gusto ko sa lahat." Sagot niya.
Ipinag-patuloy niya lang ang pag kwento sa akin kung ano ang mga nangyari sa loob ng tatlong buwan na 'yon. Hindi kilalaunan ay nag-paalam rin siya sa akin.

BINABASA MO ANG
Would you Love me the same? [WITL BOOK 2] COMPLETED
FanfictionAt dahil sa pang-iiwan ni Jessica kay Kris, sa isip isip niya ba'y kinarma niya kaya ang ginawa niyang pag-iwan? Hindi ba't yon naman ang gusto ng mahal niya. Ngayon na nag-balik na ang asawa niya mula sa ibang bansa. At napaka succesful na tao. Kay...