WYLMTS [4]

714 36 4
                                    

Sir Stupid

"Eh ano nangyari nung nakita mo siya? Niyakap mo?" Tanong sa akin ni Nicole na ikinalingon ko agad sa kanya habang hinahalo ang niluluto ko. "Baliw ka ba? Siyempre, Hindi." Inis na sagot ko at tumingin sa niluluto ko.

Kung pwede lang 'yon e, Ginawa ko na agad. Kaso iwas siya e. Hindi 'man lang niya ako kinakausap, kausapin 'man niya ako pero tungkol lang 'yon sa trabaho. At isa pa. Hindi ko akalain na siya yung nag-mamay ari ng Kumpanya na 'yon. Ibang iba na siya kumpara noon. Hindi ko na nga makita at maramdaman yung Kris dati e, nakakalungkot 'man isipin pero hindi ko naman siya masisi kung naging ganoon siya.

"Pero gusto mo, Aminin." Patuloy parin siya sa pang-iinis sa akin at nagawa niya pang tumawa. Hindi na lamang ako sumagot pa. Nandidito siya kasi sa Apartment, habang si Athena naman ay nasa school hinatid kanina ng kapatid ko at ng Boyfriend niya. "Malapit na daw sila Morgan." Giit nito.

Pupunta kasi yung mag-asawa na 'yon dito upang makapag kwentuhan kaming apat nina Nicole. Minsan, hindi ko naisip na magiging ganito kaming tatlo ni Morgan at Micah. Yung magiging magkakaibigan kami, para na nga kaming isang buong pamilya kapag nagka sama sama kami nila Daddy.

"Mag-timpla ka na kaya ng iinumin nila." Puna ko kay Nicole na kanina pa daldal ng daldal dito pero hindi ko naman maintindihan kung ano ang sinasabi dahil paiba iba siya ng topic. "Hindi na kaya magkaka-anak si Morgan saka Micah? Dalawang taon na silang kasal diba." Pinatay ko na ang stove dahil luto na yung ginagawa ko kanina.

Hinarap ko naman agad si Nicole na naka kunot pa ang noo. "Malay mo ayaw pa n--"

"Duh! Anung ayaw pa? Girl. Two years na silang kasal pero wala 'man lang nababalitang buntis na si Micah." Giit nito.

Tumayo ito mula sa pagkaka-upo para puntahan ang cabinet na lalagyanan namin ng Groceries kumuha siya ng Ice Tea powder doon upang timplahan sa pitsel. "Nicole, pwede ba. Nakakahiya sa dalawa kapag binabanggit mo pa 'yan." Giit ko sa kanya.

"Oh eh kasalanan ko bang bao---" "Nicole!" Pigil ko agad sa kanya. Inirapan na lamang ako nito habang nag-titimpla.

Isa at kalahating oras natapos ang pag-hahanda namin para sa dalawa na 'yon na pupunta dito. Nag-lalagay ako ng mga plato at mga baso ng mayroon kumatok na sa pinto. Sumenyas naman si Nicole sa akin na, siya na ang mag-bubukas.

"Hello! Tuloy kayo sa bahay ko." Salubong sa ni Nicole sa mag-asawa. Narinig ko nalang pag-tawa ni Micah habang pumapasok sila sa loob. Magkahawak kamay silang papunta sa Kusina kung saan dito kami kakain.

"Hi Jess!" Bati sa akin ni Morgan at humalik sa pisngi ko. Ganoon rin naman si Micah pagkatapos 'non ay umupo na kaming apat nag-simula kaming kumain at sinimulan naman ni Nicole ang kwentuhan. "Totoo? Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong muli ni Micah dahil sa nalaman niya.

Inungkat kasi sa kanila ni Nicole ang pagiging CEO ni Kris na kung saan ay pinag-tatrabahuhan ko. "Sorry, Jess. Hindi ko alam na siya yung.. Owner ng Company." Nahihiyang sabi ni Morgan.

Bumuntong hininga ako at bahagyang ngumiti. "Hindi, ayos lang 'yon. Saka para kay Athena kaya ako magta-trabaho doon." Giit ko at lumagok ng Juice.

Kitang kita ko ang pag buntong hininga nilang tatlo. Ayokong ipakita sa kanila na sobra akong apektado na siya ang Boss ko sa trabaho. Sa loob ng anim na taon ngayon nalang kami ulit nag-kita, nagka-usap.

"Pero.. Anong balak mo ngayon?" Tanong ni Micah na ikinalingon ko sa kanya. Nag-taka naman agad ako dahil sa sinabi niya.

"Hindi mo naman pweding itago na meron kayong anak." Dagdag pa nito.

Would you Love me the same? [WITL BOOK 2] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon