Fight for itIminulat ko ang mga mata ko at ramdam ko ang mga bigat nito. Bumangon agad ako para tignan ito sa salamin, at tama nga akong. Mugto ang mga ito medyo mahapdi pa nga.
"Tangn kasing iiyak iyak eh. Di mo ko tinawag ng masikmuraan ko 'yon!" Inis na sabi ni Victor.
Humugot na lamang ako ng malalim na hininga. Nginitian ko na lamang siya saka ako pumasok sa banyo para maka ligo na.
Ilang minuto akong tulala habang iniisip parin ang nangyari kagabi. Ganoon nalang ba talaga ang tingin niya sa akin ngayon?
Parang kung tratuhin niya ako ay hindi niya nakasama sa iisang bubong. Bakit hindi niya ako hayaang mag paliwanag? Bakit pilit siyang umiiwas sa akin. Gayong wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Oo, alam ko namang kasalanan ko na iniwan ko siya.
Pero ano naman ang gagawin ko? Kung mahal niya pa si Sandy tapos mahal niya rin ako? Pwede ba naman ba yon? Hindi.
"Bakla! Baka naman nalunod ka na dyan." Napa igtad ako ng sumigaw si Victor sa labas. Umiling iling na lamang ako at mabilis na nag banlaw. Dito narin ako nag punas at nag palit ng damit. Pagkatapos ay lumabas narin ako. "Buhok mo, may blower ako dyan. Kunin mo sa bag ko." Sabi nito sa akin saka pumasok na sa banyo.
Kinuha ko naman agad 'yon at pinatuyo na ang buhok ko gamit 'yon. Habang pinapatuyo ko ang buhok ko umilaw ang cellphone ko. Nakita ko ito dahil sa reflection ng salamin.
Pinatong ko kasi ito sa ibabaw ng unan ko. Pinatay ko muna ang blower saka 'yon nilapitan.
Nabasa ko ang isang text mula sa kapwa empleyado ko na. Kailangan ko ng pumunta sa kwarto ni Kris at maraming ipapagawa.
Bumalik nalang ako sa salamin at ipinag patuloy ang pag papatuyo ko ng buhok. Sandali ko lang 'yon ginawa dahil nag-mamadali na ako.
Sinuot ko nalang ang tsinelas ko. Kinuha ko naman ang cellphone ko at inilagay ko sa bulsa nitong short ko saka ako lumabas na ng kwarto.
Tinungo ko naman agad ang VIP Room na kung saan doon namamalagi si Kris. Humugot ako ng malalim na hininga saka kumatok bago ako pumasok.
Tahimik na tahimik ang buong paligid at malamig. Meron naman kakaibang aroma ang kwartong ito. Ang bango. Hindi ko alam kung pabango niya 'yon o ang mismong kwarto lang.
Dahan dahan kong sinara ang malaking pinto. At hinanap ko agad siya kung nasaan.
Nakita ko naman siyang mahimbing na natutulog sa malambot na higaan dito. Naka kumot siya ngunit hanggang beywang lang kung kaya't kita ang matipuno niyang dibdib. Lumapit ako sa kanya at pinag masdan ang maamo niyang mukha.
Ganoon parin. Wala pa din pag babago. Ang makakapal niyang ayos na kilay, ang mahahaba at malantik niyang mga pilik mata. Ang matangos niyang ilong. Ang makinis at maputi niyang pisngi.
Yung mapula at maliit niyang labi. Hindi ko maiwasan ang mapa ngiti ng mapakla.
Nanginginig ang mga kamay kong hinaplos ang pisngi niya. Hindi naman ito gumalaw, mahimbing parin itong natutulog.
Bahagya akong umupo sa tabi niya habang haplos haplos parin ang pisngi niya. "I miss you.." Mahinang bulong ko. "So much.." Dugtong ko.
Simula noong nakita ko siya sa Pacific Mall, gustong gusto ko siyang lapitan at yakapin ng sobrang higpit.
Sa loob ng anim na taon, Ngayon lang. Ngayon ko nalang muli nahawakan siya. Ngayon nalang ako naging ganito kalapit sa kanya.
Dumilat ang mga mata nito na siyang kinagulat ko ng sobra. Tumayo agad ako. "G-good Morning, Sir." Nauutal kong bati sa kanya.

BINABASA MO ANG
Would you Love me the same? [WITL BOOK 2] COMPLETED
FanfictionAt dahil sa pang-iiwan ni Jessica kay Kris, sa isip isip niya ba'y kinarma niya kaya ang ginawa niyang pag-iwan? Hindi ba't yon naman ang gusto ng mahal niya. Ngayon na nag-balik na ang asawa niya mula sa ibang bansa. At napaka succesful na tao. Kay...