One week
Inayos ni Kris ang unan sa aking likod habang nagpapa breast feed ako sa new born baby namin. He really looks like his father. Hindi nanaman ako ang kamukha kundi si Kris.
"He so small." Napa angat ang tingin ko sakanya habang bahagyang hinehele hele si Alexander. "Ganito rin si Athena 'noon." Sabi ko at bahagyang ngumiti.
"I really wish to turn back the time. I really want to go back in the past so I could turn right my mistakes." Tumitig ako sakanya habang hinihintay pa ang susunod niyang sasabihin.
"I want to see my daughter's first in everything. Gusto kitang alagaan 'non, Habang pinag-bubuntis mo si Athena." Suminghot siya at yumuko.
"Hey..." Mahinang sabi ko.
"'Nong mga panahon na wala ka pa. Inggit na inggit ako sa kanila, I mean. Sila Luhan, Sehun. Meron na silang anak, samantalang ako.. wala. Busy at work." Aniya at muling suminghot at humugot ng malalim na hininga.
Nakikita ko at nararamdaman ko kung paano siyang nasasaktan 'noon. "Yes, inaalagaan ko si Ian 'non. But.. you're always on my mind, Jess. Walang araw na hindi kita inisip." Napa lunok ako dahil sa sinabi niya.
"When I first saw, Athena.. Iba 'yong naramdaman ko eh. The way she talks, the way she roll her eyes. She really looks like me." Aniya at bahagyang natawa.
Tumango agad ako. "Kahit minsan hindi ko naisip na ipag-damot ko sayo si Athena. Remember the Grocery Store?" Sabi ko at bahagyang ngumiti.
"I saw you two. Magka-mukhang magka-mukha kayo. Pati 'yong pagpa meywang mo at ni Athena? Magka-mukhang magka-mukha." Dagdag ko.
Kumunot ang noo niya. Tumango agad ako. "Yup, hindi ako lumapit kasi baka itaboy mo lang ako 'noon." Sabi ko.
"Nakita mo rin si Ian?" Tanong niya. Dahan dahan akong tumango. "Yes, and Sandy too." Sagot ko.
Humugot na lamang siya ng malalim na hininga. "I'm sorry." Aniya at mabilis na hinalikan ang aking noo.
Ngumiti na lamang ako sakanya. Hindi na namin muli pinag-usapan pa ang nakaraan, buong atensyon ko at atensyon niya ay kay Alexander namin ibinuhos.
Tuwang tuwa siya sa tuwing mangingiti si Alexander habang nilalaro laro niya ito. Hindi nag-tagal ay pina-tulog ko na si Alexander habang maingat ko siyang hinehele hele.
Samantalang ang asawa ko naman ay naka yakap sa aking likod habang pinag-mamasdan ang lalaking anak niya.
"Hindi ka pa ba nagugutom?" Tanong ko kay Kris pagka-baba ko kay Alexander sa gitna nitong kama namin.
Nag-kibit balikat siya. At tipid na ngumiti.
"I'll cook for you, wait. Tawagin ko lang si Nanang." Sabi ko. Ilang sandali pa ay nandidito na ang taga-alaga ng bunso naming anak.
"Take care of my son." Aniya ni Kris at hinapit ako sa aking beywang. "Opo, Sir." Ngumiti na lamang ako sakanya at sabay na kaming lumabas ni Kris ng kwarto namin.
"Hindi mo sinundo si Athena?" Tanong ko habang pababa kami ng hagdan. "Uh.. No, Susunduin ko na dapat siya pero nagpati-una 'yong Ninang niya." Sagot niya.
"Nicole?" Aniya ko. Tumango agad siya. "Namimiss niya na daw si Athena, And.. Miss na rin daw siya ng anak natin." Sagot niya.
Nang maka-baba na kami ay dumiretso na kami sa kusina. "Ano ba gusto mo?" Tanong ko ng lumapit na ako sa refrigerator.
"Ikaw." Maagap niyang sagot.
Sabay kaming natawa doon. "Ano nga?" Natatawa kong tanong habang tumitingin sa refrigerator.

BINABASA MO ANG
Would you Love me the same? [WITL BOOK 2] COMPLETED
FanfictionAt dahil sa pang-iiwan ni Jessica kay Kris, sa isip isip niya ba'y kinarma niya kaya ang ginawa niyang pag-iwan? Hindi ba't yon naman ang gusto ng mahal niya. Ngayon na nag-balik na ang asawa niya mula sa ibang bansa. At napaka succesful na tao. Kay...