Unconscious
Napa takip ako sa aking tenga ng magpa putok siya. Abot abot ang tahip ng aking dibdib dahil sa takot. Pero hindi ko 'yon pinapakita sa kanya. Ano nalang ang mangyayari kapag pinakain ko ang sarili ko sa takot? Wala!
"Hindi ako titigil, Hangga't hindi kita napapatay!" Sigaw niya at tinutok sa akin ang baril niyang hawak.
Umiling agad ako at nanginginig na ang aking labi. Hinawakan ko ang aking tyan at tinignan ko siya sa kanyang mga mata.
Hindi pa naman huli ang lahat, pwede pa naman siyang mag-bago o itama ang mga maling nagawa niya. I know, kasalanan ko kung bakit siya nagka ganito. Waa naman ibang sisihin kundi ako.
I'm so immature way back in my Highschool Life, Or whatever. Hindi ko na matandaan lahat ng 'yon dahil matagal na, matagal ko ng binura sa aking isipan lahat ng mga nangyari 'non.
Hindi naman kabayaran ang pag-hihiganti sa isang taong nanakit sayo. Hindi ka naman magiging masaya kapag ginawa mo 'yon. Pero hindi ko siya masisi, at alam kong sagad sa buto ang kanyang pagka muhi sa akin.
Minahal niya ang lalaking mahal ako. Lalaking ama ng anak at magiging anak ko. Whatever happens, pero hindi ko na siya isusuko pa para sa iba. I will fight for myself, for our Athena, for our future baby. And for Kris. I will fight for him.
"Red, Magiging Ina ka rin someday. Kaya please.. stop this. Wag mo ng dagdagan pa ang kasalanan mo." Pagsusumamo ko sa kanya.
Tumawa siya ng nanunuya. Hinawi niya ang buhok niyang sumasabog sa kanyang mukha, itinago niya 'yon sa kanyang tenga.
She looks really miserable, hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman. Naaawa ako sa kanya.. sobra akong naaawa.
"Kung iiwanan mo si Kris, magiging Ina ako." Sagot niya.
Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Tumikhim ako at humugot ng malalim na hininga.
Hangga't maaari ay pinipigilan ko ang aking sarili at iniintindi ko siya. Iniintindi ko siya dahil alam kong nasasaktan siya, nasasaktan siya sa amin.
"Red, Kris is not a thing. He can choose whatever he wants, He can decide whatever he wants." Deretso kong sagot sa kanya.
Kinagat niya ang ibabang labi niya. "You're right, You are dmn right!" Sigaw niya.
Sa tuwing sumisigaw siya ay natatakot ako. Na baka mamaya, maiputok niya sa akin ang bala. It's either na ako ang matamaan o ang aking magiging anak.
"Then leave him alone. He's not a thing right? So leave him! Gaya ng ginawa mo noon! You left him without any single dmn word, Jessica! Gusto mo laging mayroong nagdurusa! Gusto mo laging mayroong nahihirapan!" Punong puno ng galit na sigaw niya.
Nag-iwas ako ng tingin. Yes, She's right. I left my husband without any single word. Pero alam ko sa aking sarili ko na kaya ko nagawa 'yon ay para kay Kris. To make him decide. Kung iiwan niya ba ako para kay Sandy.
Magulo noon, hindi ko alam kung ano ang dapat gawin.
"Yes! I left him, Red. Pero hindi ibig sabihin 'non hindi ko na siya mahal. Nung mga panahon na wala siya sa tabi ko, yung mga panahon na nangungulila ako sa kanya, yung mga panahon na nalaman kong buntis ako.." Lumalabo na ang aking paningin dahil sa namumuong luha.
"Yung mga panahon na wala na akong balita tungkol sa kanya, yung mga panahon na kahit sa mga kaibigan niya ay wala na akong malaman tungkol sa kanya, yung mga panahon na nawala sa amin ang lahat at siya 'yong kailangan ko 'non pero wala siya, yung mga panahon na nag-lilihi na ako, morning sickness whatever it is. Wala siya." Suminghot ako.

BINABASA MO ANG
Would you Love me the same? [WITL BOOK 2] COMPLETED
FanfictionAt dahil sa pang-iiwan ni Jessica kay Kris, sa isip isip niya ba'y kinarma niya kaya ang ginawa niyang pag-iwan? Hindi ba't yon naman ang gusto ng mahal niya. Ngayon na nag-balik na ang asawa niya mula sa ibang bansa. At napaka succesful na tao. Kay...