WYLMTS [5]

728 33 6
                                    

Field Trip

"Anak? Are you sure. Okay lang talaga sa'yo?" Muling tanong ko sa anak ko habang ginagayak ko ang mga gamit niya, mamaya para sa children's party nila.

"Yes po, Mama. Eh mas kailangan po natin ng work diba? Kaya sumama ka na po. Okay na okay lang po ako. Saka andyan naman si Daddy M saka Mommy M eh." Sagot nito sa akin at sinara ang pink na bagpack niya.

Ang tinutukoy niyang Daddy M at Mommy M ay sila Morgan at Micah. Ewan ko ba naging ganoon ang tawag niya sa dalawa na 'yon.

Natapos kong ayusin ang gamit niya. Umupo naman ako sa paanan ng kama namin dito. Sumenyas naman akong lumapit siya sa akin at pumunta naman agad siya.

Kinandong ko agad siya sa dalawang hita ko at mahigpit na niyakap mula sa likod niya. Narinig ko pa ang pag hagikgik nito. "Thank you, Baby." Sabi ko habang naka ngiti. Dahan dahan naman siyang lumingon sa akin habang naka nguso at naka kunot ang noo.

"What for?" Tanong nito. 

Hinaplos ko ang pisngi niya at muli siyang niyakap. "For giving me a reason to live again." Mahina kong sabi at mas hinigpitan ang yakap ko. 

Nararamdaman ko ang pag-tataka niya dahil sa sinabi kong 'yon. Totoo naman eh, Si Athena lang ang naging rason para mabuhay ako muli. Hindi ko aakalain na ganito pala pakiramdam ng isang ina, na maging isang ina.

Sa una oo, mahirap. Pero kahit mahirap ang sarap sa pakiramdam na ramdam at alam mong mayroon kang anak. Sabi nga nila iba daw kapag may anak na. Masayang Nakakainis ganoon. 

Pero sa tingin ko naman.. Hindi ako naiinis na nagkaroon ako ng anak. Sobrang saya ko nga eh. Kahit ganito lang ang buhay namin ni Athena kuntentong kuntento na ako basta mag-kasama lang kaming dalawa. My daughter is my life, my everything. 

"Ha? Mama, di po kita maintindihan." Sabi ni Athena at bumaba sa pag-kakaupo sa dalawang hita ko. 

Natawa ko ng makita kong kunot na kunot ang noo niya. Dahil naguguluhan siya sa sinasabi ko, Kamukhang kamukha niya talaga ang Ama niya. "Nothing, Baby." Sagot ko dito. 

Kinuha ko na ang maliit na maleta at violet na bagpack. Sinukbit naman na ni Athena ang bagpack niya at mas nauna ng lumabas ng pinto. Sumunod rin naman agad ako sa kanya habang hila hila ang maliit na maleta na dadalin ko para sa Field Trip ng kumpanya. Hindi na nga dapat ako sasama pero ayaw pumayag ni Kris at ng mga ibang investor. At sabi rin ni Victor kailangan daw talaga ako doon dahil ako daw ang secretary ni Kris. 

Wala naman akong nagawa kundi ang pumayag nalang. Ang Kumpanya naman mismo ang nag-bayad ng ticket eh. 

Sinusi kong mabuti ang pinto. Humawak na sa kamay ko si Athena at sabay naman kaming sumakay ng Taxi na kanina pa naka hinto sa harap ng gate. 

Ihahatid ko kasi si Athena kila Morgan at Micah, sila na daw muna ang bahala sa anak ko habang nasa Field Trip pa ako. Dapat nga ay kay Daddy at Krystal ko nalang ipapa-alaga si Athena pero naisip ko na hindi kaya ni Daddy ang kakulitan at sumpungin ni Athena. At ang kapatid ko naman ay pumapasok sa Trabaho niya. Kaya ayon, kay Micah at Morgan ang bagsak niya. 

"Athena, behave ka lang don 'ha." Pangaral ko sa anak ko habang papunta kami sa bahay ng mag-asawa. Tahimik lang 'tong tumango habang naka tingin sa daan. 

Hindi kilalaunan naka dating rin kami sa bahay ng mag-asawa. Tinulungan naman agad kami ni Morgan na ibaba ang iba naming dala. "Daddy M!" Tawag agad ni Athena kay Morgan pagkababa niya ng Taxi. 

Sinalubong naman agad siya ni Morgan ng halik sa pisngi habang hila hila ang maleta ko. Sabi ko kase kanina, hindi na ako mag-tatagal. Pero tumutol siya at sabi siya nalang daw ang mag-hahatid sa akin. 

Would you Love me the same? [WITL BOOK 2] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon