WYLMTS [11]

992 31 14
                                    

Love or Lust?

Dahan dahan kong iminulat ang dalawa kong mata, damang dama ko ang sikat ng araw sa mukha ko. At ang braso ng anak kong si Athena na naka yakap sa akin.

Tumagilid ako paharap sa kanya upang mas maayos kong makita ang maamo niyang mukha. Mahimbing itong natutulog habang ako naman ay pinag-mamasdan ko siya.

Napa ngiti ako bigla habang hinahaplos ko ang makinis niyang pisngi. Kamukhang kamukha niya nga talaga ang Ama niya.

Habang patuloy ko siyang pinag-mamasdan, unti unti kong nararamdaman ang pag-init ng sulok ng mga mata ko. Iniwas ko na lamang ang tingin ko sa kanya at bumangon na. Wala rin naman kaming katulong e.

Lumabas ako ng kwarto namin at napansin ko naman sa pinto na kanina pa sunod sunod ang pag katok. Agad ko 'yong pinuntahan at binuksan.

"Aba! Jessica. Anong petsa na, kelan ka ba mag-babayad ng renta mo?" Sita agad sa akin ni Aling Lorna.

Nagulat naman ako dahil sa asta niyang ganoon. "P-pasensya na po. Sandali lang po, Kukuhanin ko lang." Sabi ko dito at agad na bumalik sa loob ng kwarto, narinig ko pa nga ang pabulong bulong niya.

Lumapit agad ako sa bag ko at kinuha ang wallet ko. Kumuha agad ako ng pambayad ng renta saka bumalik sa labas upang mag-bayad.

Pahablot niya sa akin kinuha 'yon saka umalis na. Bumuntong hininga na lamang ako saka ako pumasok sa loob at sinara ang pinto.

Bakit nga ba naging ganito bigla ang buhay ko? Buhay namin? Simula nung iniwan ko siya. Tila ba'y isa isa ng nawala sa amin ang lahat. Ang kumpanya, ang mga ari arian ni Daddy. Kasalanan ko lahat eh. At ito nga naman ngayon pinag-babayaran ko naman lahat.

Dumiretso nalang ako sa kusina habang umiiling iling. Pinag-handa ko naman agad ng almusal si Athena. Natapos ko rin naman agad 'yon.

"I'm Home!!" Umangat ang tingin ko ng pumasok na ang kaibigan kong si Nicole sa loob. Kumaway agad ito sa akin at nginitian ko naman siya. Mabuti pa siya.. Nasa kanya pa ang lahat. "Oh? Bakit nanaman malungkot ang Bestfriend ko?" Sabi nito agad at yumakap sa likod ko.

Natawa ako. "Nicole ano ba! Makita ka ni Athena, mag-seselos 'yon." Sabi ko sa kanya. "Eh ano naman? Mas nauna ako sa kanya. Duh!" Natatawa niyang sabi pero kumalas narin agad siya.

Meron siyang dalang dalawang paper bag. "Kain na tayo, gisingin ko lang inaanak ko." Paalam niya at tuloy tuloy na pumasok sa loob ng kwarto.

"Athena ng buhay ko! Wake up. Gising na!" Dinig na dinig ko ang matinis niyang boses. Umiling iling na lamang ako habang dinudukot ang cellphone ko sa bulsa ko.

Tinignan ko ang screen at umeentra ang pangalan niya. Sinagot ko naman agad ang tawag niya. Mukhang kakagising niya palang dahil sa boses niya, Hindi ko alam pero parang nanlambot na agad ang mga tuhod ko kapag naririnig ko ang boses niyang ganoon.

Sinabi niya na hindi siya makakapasok at dalin nalang doon ang mga gamit niya sa Condo niya. At pagkatapos binaba niya rin agad.

Ngumiti ako ng mapakla, buong akala ko doon parin siya nakatira sa bahay namin. Hindi na pala.

"I hate you." Napa tingin ako sa dalawa. Si Athena ay busangot na busangot ang mukha samantalang si Nicole naman tawa ng tawa.

Hindi ko na lamang 'yon pinansin pa, kahit kelan talaga napaka pang-inis niya. "Baby, kain ka na. Wag mo ng pansinin si Ninang." Bati ko sa kanya saka ako lumapit para halikan siya sa pisngi.

Hinawakan ko naman agad ang kamay nito para maka upo na sa pwesto niya. "Wag kang kakain dito, Ninang." Ika ng anak ko. "Oh eh bakit? Ako bumili niyan. Ikaw ang wag kakain." Sabi naman ng kaibigan ko.

Would you Love me the same? [WITL BOOK 2] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon