WYLMTS [14]

936 40 7
                                    

I can

Pinapanuod ko siya habang ipinapaliwanag niya sa mga investor na kung ano ang gusto niyang mangyari. Nasa Conference Room kami nitong kumpanya niya.

Mga nag-lalakihang mga investor ang mga nandidito. Yung mga iba ay mayroon ng edad samantalang ang iba naman ay kasing edad lang namin.

Hawak hawak ko ang ibang folders na pipirmahan muli nila pagtapos mag-present ni Kris. Muli ko siyang tinitigan.. Hindi ko akalain na ang isang pala away noon ay isa ng CEO ng malaking kumpanya at sikat pa.

Matured na matured na siyang mag-salita pati ang kanyang pag-galaw ay nag-bago narin. Gustong gusto ko siyang pinag-mamasdan habang suot suot niya ang iba't iba at mamahalin niyang mga suit.

Minsan nga gusto kong awayin ang mga babaeng ngumingiti at lumalapit sa kanya. Pero wala na nga pala akong karapatan na magalit kapag mayroon gumagawa ng 'yon sa kanya. Nandito lang ako.. tinitigan siya habang mayroong kausap na ibang babae minsan.

I secretly endure the pain inside and it kills me. Magagalit pa siya kapag sinabi ko o tinanong ko kung sino ang babaeng kausap niya sigurado ako doon. Kase.. wala naman na din akong karapatan sa kanya. Sino nga ba naman ako? Para pigilan siya sa mga ginagawa niya.

Isa na lamang akong isang tao na dapat kalimutan sa kanya. Pinapakita at pinaparamdam niya sa akin lahat 'yon. Kulang na nga lang ay ipag tulakan niya ako. Pero paano naman ang gagawin ko? Ito yung trabaho na napunta sa akin.

Malas na Swerte ika nga ni Nicole. Swerte ko dahil nakakasama ko siya araw araw pero Malas dahil parang hangin lang ako kung daan daanan niya nalang.

Tama naman siya diba. "Malusaw bading, kanina ka pa naka tingin." Mahinang bulong sa akin ni Victor na nakapag palingon sa akin sa kanya.

Umirap ito sa akin habang nag-pipigil ng tawa at tumingin muli sa nag-sasalitang si Kris. Tumingin ako doon at sumenyas siya sa akin na ipamahagi ko na ang mga folders na hawak hawak ko.

"How 'bout your Secretary? Mr. Wu." Napa lingon ako sa isang lalaki habang patuloy ako sa pag lapag ng mga folders sa bawat member. Di ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin dahil hindi naman ako nakikinig kay Kris kanina.

Patuloy parin sa pag-lalaro sa isipan ko ang nangyari noong isang araw.

"Excuse me?" Bahagya akong lumingon kay Kris pagkatapos kong maibigay na lahat ng Folders at umupo nalang tabi ni Victor. "It seem she's available." Kumunot ang noo ko dahil nag-tawanan ang lahat maliban sa aming Tatlo ni Kris. Ako at si Victor.

Ano ba nangyayari? "Ano ba nangyayari?" Bulong ko kay Victor.

Kunot noo itong lumingon sa akin. "Di ko rin alam, Binabasa ko lang 'tong mga papeles. Di naman ako nakinig kanina." Sagot nito sa akin.

Dahan dahan kong tinignan si Kris at nagulat ako sa reaksyon niya. Nakita ko itong nag tiim bagang at nag-salubong ang mga kilay niya.

"Do you have a wife Sir?" Pormal na tanong ni Kris.

Nanahimik ang paligid matapos siyang mag-salita. Nararamdaman kong seryoso ang mga nasa paligid ko. "I'm asking you, Do. You. Have. A. Wife?" Malamig na tanong ni Kris.

Dahan dahan tumango ang tinanong niya. Napa tawa ng mahina si Kris pero bakas sa ipinapakita niya na hindi siya natutuwa. Naiinis siya.

Would you Love me the same? [WITL BOOK 2] COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon