.
.
.
.
Habang nasa CR.Patuloy na umaagos ang luha sa mga mata ko.
Me: Imaw may picture na ba sila together?
Imaw: Wait check ko.
Maya maya lang may sinend itong picture ng dalawa.
Napapikit ako bigla.
"Shet nagkikita na pala sila." Bulong ko.
Habang umiiyak inalala ko lahat mula april 8 until present. All of her alibi's and hiding. But everything was blurry, tulad ng paningin ko dahil napapaligiran ng luha ang mga mata ko.
Ang sakit ng pag-iyak ko. I can't help but cry soundly. :'(
I never knew and I never thought she could do this to me.
I knew she has loved me that much :'(
What happened? :'(
Mga katagang nagliparan sa utak ko. Feeling ko biglang nawala ang babaeng alam kong nagmahal ng sobra sobra sakin. :'(
"Bakit nagawa niya akong saktan ng ganito?" :'(
Wala na akong ginawa kundi ngumawa ng ngumawa sa CR.
Hanggang sa...
Napagdesisyunan kong bumalik ng manila para komprontahin si Bea. Nagpalipas muna ako ng ilang oras bago umalis para pahupain ang pamamaga ng mata ko.
I put ice.
Hindi ako natulog para di mamaga ang mga mata ko.
Paglipas ng isang oras naligo na ako.
"Saan ka pupunta maya?" Si Mama.
"Babalik ako ng Manila ma."
"Huh? kararating mo lang kagabi ah?"
"May need kasi akong kunin sa school ma."
"Ganoon ba. Nakakapagod naman yang byahe mo."
"Carry lang ma."
Ginagawa ko na namang palengke ang Manila. Kung makaalis eh kala mo ang lapit lang. 😂
Kahit masakit ang katawan ko sa byahe, pinilit ko paring umalis. Kailangan ko talagang makaharap si Bea.
I checked my wallet. Shet sakto nalang pala 300 ang pera ko. Pero tumuloy parin ako. Manghihiram nalang ako kay Raffy ng pamasahe pauwi.
Habang nasa byahe, nag-iisip na agad ako kung ano ang mga sasabihin ko kay Bea. Kumbaga nagpractice ako. (haha)
"Kailangan maging matatag ka hack. Ipakita mo na hindi sya kawalan. Kailangan maging matigas ka sa harap niya." Bulong ko sa sarili ko.
Pagdating ng malibay, pumasok muna ako ng 7/11. At tumungga ng dalawang bote ng SanMig light. Parang tanga lang. (haha)
Kailangan ko ng lakas ng loob eh.
Maya-maya lang nag-ayos na ako. Nagpabango at nag-mouthwash. Tumingin ako sa salamin. Bigla akong naging conscious sa sarili ko. :'(
"Kaya mo hack." Sabi ko sa sarili ko sabay tango at alis.
.
.
.
.
Habang naglalakad palapit sa dorm, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako kung anong mangyayari pag nakita ko na si Bea. Kung sasaktan ko ba siya o ano.
.
.
.
As I reached the door, I opened it slowly and saw her.
YOU ARE READING
Dear my Teacher (Book 2) girlxgirl
Romance"How can something be so wrong, yet it feels so right!"