.
.
.
.
Kinabukasan.Like a routine, basta nalang akong umaalis ng bahay ng walang kain. Bangag na naman ang peg dahil walang tulog.
Minsan ayoko ng dumating ang gabi dahil takot akong pumikit. Naging suki sila sa imahinasyon ko.
Unang araw na magtuturo na ako sa mga klase ko.
Una palang tinakot ko na ang mga bata sa mga rules and regulations ko. Hindi ko alam pero ang init ng ulo ko. Napagbuntunan ko sila ng galit ko.
Ang end up, natakot sakin ang mga bata at takot akong i-approach. (haha)
Natapos ang araw na wala man lang ako sa sarili ko. Hungkag na naman at tulala sa isang tabi.
Nang hapon na iyon, hindi ko inaasahan na makakatanggap ako ng mensahe galing kay Bea. Kahit kasi naka-blocked ito, lumilitaw parin ang mga blocked messages.
It says..
Pupunta ako ng dorm ngayon para kunin ang mga natirang gamit. Ano na yung bagong password ng lock? pinalitan mo ba?
Hindi ko ito nireplayan at hinayaan lang. Makakapasok parin naman siya sa dorm dahil di ko ito pinalitan.
Maya-maya lang tumawag ang kapatid ko.
"Hello te?"
"Oh bakit?"
"Tumawag sakin si Bea, ano daw yung password ng lock sa dorm? Di ka daw sumasagot."
"Ah, sabihin mo sa kanya di ko naman pinalitan. Same parin."
"Ah okay sige."
Nang araw na iyon sumunod din pala sina Raffy at bagong gf nito sa dorm. At naabutan nila si Bea.
Balak kasi nung dalawa na matulog sa dorm dahil walang matulugan.
Si Raffy naman ngayon ang tumawag sakin.
"Hello hack?"
"Oh napatawag ka? nagpang-abot ata kayo ni Bea diyan sa dorm? Hindi ko alam na pupunta din pala siya diyan."
"Oo nga eh, kukunin nga lang daw sana niya mga gamit niya at aalis na siya, buti daw dumating kami."
Habang nasa linya narinig kong nagsalita si Bea.
"Si hack ba yan? Pakausap naman."
Maya-maya lang si Bea na nga ang nagsalita.
"Hello hack?"
"Oh?" Malamig na sagot ko.
"Paano yung mga gamit mo dito? Iwan ko nalang ba?"
"Hayaan mo na. Di nako pupunta diyan eh."
"Ay sayang naman yung electric fan? at ibang gamit dito?"
"Ibenta mo nalang or dalhin mo kina kuya mo."
"Di ko na sila kayang dalhin eh."
"Ikaw na bahala."
"Nasabi ko na kina mama. Umuwi nalang daw ako at mag-aral ng Tesda doon sa macabebe."
"Hmm ganoon ba? good for you."
"Oo, para daw sumunod na ako kay kuya abroad."
"Mabuti, matutupad na mga pangarap mo." Malamig parin ang pakikitungo ko. Alam kong nagpapapigil siya kaya nababanggit niya ang mga ganoong bagay.
![](https://img.wattpad.com/cover/18025090-288-k625764.jpg)
ESTÁS LEYENDO
Dear my Teacher (Book 2) girlxgirl
Romance"How can something be so wrong, yet it feels so right!"