Chapter 60

904 61 505
                                    

.
.

"Kiss ko?" Request ko.

"Ihhhhhh love naman." Reklamo nya din. Haha!

"Isa lang dali na." Sambit ko.

Ngumuso naman ito.

Saka ako lumapit at hinagkan siya.

Hanggang sa unti unting lumalim ang halik.

I pulled her closer.

Pero biglang tulak naman siya.

"Love antok na talaga ako." Pigil nito. Pero ramdam ko na ayaw niya lang dahil nawala siya sa mood.

Biglang lumungkot ang mukha ko at tumalikod ako kay Arki. Napabuntong hininga ako saka ako bumangon.

"Hey saan ka pupunta." Tanong nito ng bigla akong tumayo.

"Sa baba." Pagtatampo ko.

"Oras na gabi na, matulog na tayo." Sambit nito.

"Pahangin lang ako saglit sa baba." Sambit ko sabay labas.

"Love!" Sigaw pa ni Arki pero patuloy pa rin ako sa pag-alis.

SA BABA.

Naupo lang ako sa isa sa mga upuan ng Bar paharap sa dalampasigan. Nag-order ako ulit ng isang Sanmig. It was already 11pm in the evening and wala ng tao sa Bar, ako lang mag-isa.

Mas palagay ako, at okay sakin na ako lang mag-isa ng mga oras na iyon. May pagka-introvert din ako, mas gusto kong mag-isa kaysa may kasama.

Ang sarap talaga ng simoy ng hangin. Bigla akong napapikit. Parang masarap matulog doon. Mga ilang minuto din akong nakapikit lang at nakasandal sa upuan.

Nang biglang may humalik sa pisngi ko.

Napatingala ako.

Ofcourse, it was Arki.

Ngumiti ito saka ako niyakap mula sa likuran. Ipinulupot niya ang kamay niya banda sa may leeg ko at idinikit ang pisngi niya sa may pisngi ko.

"Sorry kanina." Malambing na sambit nito.

Ang tinutukoy nito ang pagtanggi niya kanina sa kama.

"Nawala lang talaga ako sa mood dahil nalungkot ako." Dugtong na pagpapaliwanag nito.

Hinawakan ko mga kamay ni Arki na nakapulupot sa may leeg ko. At hinaplos haplos.

"Naiintindihan naman kita love, wala yun." Sambit ko.

"Pero sorry pa rin love, baka nainis pa kita." May himig na lungkot sa boses ni Arki.

Napabuntong hininga ako.

"Halika nga dito." Sabay akay ko sa kanya na maupo sa tabi ko. Saka ko siya inakbayan.

"Sana mawala na lahat yang agam agam mo. Ano bang dapat kong gawin love?" Pagsusumamo ko.

"Hindi ko rin alam love. Hanggat andiyan siya hindi ako mapapalagay." Malungkot din na sambit nito.

Dear my Teacher (Book 2) girlxgirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon